Chapter 12: Friendship Day
Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon dahil akala ko, katapusan na ng aking buhay. Ang nangyari sa akin ay may nagligtas sa kapahamakan na makukuha ko sa gitna ng kalsada. Nang sinimulan niya akong hilahin ang aking braso na papunta sa kanya ay sinimulan niya akong sermonan. 'Yung taong nagligtas sa akin ay walang iba kung hindi ang dati kong bestfriend na masungit na si Zean. Hindi ko akalain sa aking sarili ay nagrebelde na ang aking mga luha dahil nagsimula na tumulo sa aking mukha.
"Ano ang ginagawa mo sa gitna ng kalsada?" pagalit na tanong niya habang ako naman ay nakayakap sa kanya at umiiyak sa kanyang dibdib.
"Sorry Zean." paiyak na sabi ko at hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. Nagulat kasi ako sa nangyari dahil sa daming tao, siya pa ang humila sa akin. Tapos, delikado na ang aking buhay dahil malapit na akong tawagan ni Kamatayan sa nangyari ngayon.
"Gusto mo na bang mamatay?" isa pang tanong niya sa akin na may nakakatakot na boses.
"Bakit ganyan ang ugali mo?" sigaw na tanong ko sa kanya at bigla ko pinagsusuntok ang kanyang dibdib.
"Anong pinagsasabi mo, Tuesday?" pagtatakang tanong niya at napansin ko na nanginginig ang kanyang boses. Hindi ko talaga maintindihan ngayon ang pagkatao ng halimaw na ito. Pabago-bago kasi ng ugali niya parang isang T.V. na palipat-palipat ng channel, at hindi ko na ito maintindihan kung ano ang pinapanood ko na palabas.
"Minsan parang hindi mo ko kilala, minsan magso-sorry ka sa akin, minsan ang bait mo. Sino ka ba talaga Daniel Zean? Ano na ba talaga ang ugali mo ngayon? Hindi ko na mabasa ang mga kinikilos mo." hikbing sabi ko na nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakasubsob sa dibdib niya.
Kaya ko natanong sa kanya ang mga bagay na 'yun, dahil gusto ko talaga maliwanagan na kung ano talaga ang tunay na ugali sa pagkatao niya. Nalilito na ako sa bawat kilos niya na kung siya pa rin ang dating Zean na nakilala ko o nagbago na talaga siya kaya kinalimutan na niya ang dati naming pinagsamahan.
"Tuesday!" sigaw niya at bigla akong napatingin sa kanya habang tumutulo ang aking mga luha na galing sa dalawa kong mata.
"Nakakainis ka na talaga!" sigaw ko sa kanya na paiyak at pinagsusuntok ko naman ang kanyang braso.
Nakakairita na kasi siya dahil nagtatanong ako pero hindi naman niya sinagot, at ang ginawa lang niya ay sigawan ako. Ang galing-galing niya talaga at gustong-gusto ko na sakalin dahil napakasama niya sa akin.
"Anne! Tumahan ka nga diyan para kang bata!" pagalit na sigaw niya at hinawakan niya ang aking braso para pigilan ang mga suntok ko sa kanya. Bigla ako kinabahan sa kanya dahil tinawag niya ako sa first name at natatakot na ako sa susunod na pangyayari, bihira niya kasi banggitin ang pangalan na iyon.
"Paano ako tatahan? Nakakairita ka na kasi sa pinaggagawa mo sa akin!" pareklamong sabi ko sa kanya.
"Pinagtitignan na tayo, huwag ka ngang gumawa ng gulo sa kalsada!" sigaw niya na may malalim na tono at napatingin ako sa kanya.
"E, ano ang gusto mo kung ikaw nga nagsimula nito?" pananaray ko sa kanya.
"Huwag nga tayong gumawa ng isyu, nakakahiya na!" sigaw niya sa akin at hinawakan niya ang aking balikat tapos tinignan niya ako na may seryosong mukha. Grabe, medyo natatakot ako sa kanyang titig, para kasi akong natutunaw sa pagtingin niya sa akin kaya nagsimula na ako magsalita kahit labag sa kalooban ko.
"Paano akong titigil kung naguguluhan na ako sa iyo?" pagalit na tanong ko sa kanya at bigla ko siyang narinig na nagbuntong-hininga. Mukhang naiirita na yata sa akin dahil sa mga nasasabi ko kanina. Ang gulo naman kasi ang kasama ko ngayon, kung anu-ano na ang ginagawa at nasasabi niya sa akin. Sana, hindi na lang niya ako niligtas kung ganyan ang nangyari.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Novela Juvenil- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
