Chapter 7.5: Another Side
Dumiretso na kaming dalawa sa library, dahil sasagutan pa namin ang exercise na hindi pa tinuturo ng aming guro na napaka-terror. Nang pagkapasok namin sa loob ay naghanap na kami ng mauupuan. Nang nakakita na ng pwesto ay umupo na kami, at siya naman ay umobob kaagad sa table.
Grabe talaga ang lalaking ito; ang tamad niya talaga, dahil mas pinili pang matulog kaysa sagutan ito. Nagtataka na ako kung paano siyang nakakakuha ng matataas na marka kung tamad siya. May leakage siguro siyang nalalaman kaya nakakakuha ng high score sa exams.
Nakalipas ng 20 minutes, hindi ko pa rin natatapos ang exercise na binibigay ng guro namin dahil nahihirapan na akong sagutin ang mga ito. Ilang beses ko nang binasa ang mga notes ko kahit hindi pa kumpleto, at 'yung libro ay hindi ko pa rin naiintindihan. Nakakainis na talaga siya, kung hindi lang ako inistorbo kanina baka naintindihan at nasagutan ko pa ang tanong kahit ayoko talaga ang subject na ito.
Since, hindi ko na masagutan ang exercise na pinapagawa ng pinakamamahal kong guro sa Math. Bigla na lang akong napatingin sa natutulog na Zean sa tabi ko. Nang tinitignan ko na siya, mukha siyang anghel kapag tulog. Sana ganyan na lang siya palagi, sobrang bait kasi niyang tignan at napaka-inosente kapag natutulog siya. Pero kapag gising siya ay kabaliktaran na ang nangyari, dahil makikita ko na ang ilalim ng lupa.
Nang tinitignan ko na siya ay napansin ko na gumagwapo na talaga siya dahil makinis at may pagkaputi ang kanyang balat, pero mas maputi si Kyu. May pagkahilaw kasi ang kulay ng pagkaputi niya at mukhang may lahi ang taong iyon. Mayroon ding mahabang pilikmata si Zean at may kulay rosas na labi ang kanyang imahe. Mukhang pinagpapantasyahan ko na siya kapag tulog. Sulitin ko na 'to dahil bihira ko na siyang makita ng ganyan.
Habang tinitigan ko pa rin siya, may naisip akong gawin na pagtripan ko siya. Ang ginawa ko lang ay lumapit ako sa kanya, at sinimulan kong tusok-tusukin ang isang pisngi na gamit ang hintuturo ko. Tuwang-tuwa ako habang ginagawa ko 'yun dahil malaman at mataba ang pisngi niya, sarap talagang gawin sa kanya 'yun.
Mukhang nagising na ang suplado, dahil nakita ko na nag-iba ang itsura ng kanyang maamong mukha at kumunot ang kanyang noo. Mayamaya ay unting-unti na minumulat ang kanyang dalawang mata, umunat, at umayos ng upo. Nagsalita na rin ang mahal na prinsipe ng yelo, kaya tinigil ko na ang ginagawa ko sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo sa akin?" iritang sabi niya dahil sa ginagawa ko sa kanya, at nilapag ang isang braso sa table.
"Wala," diretsong sagot ko sa kanya.
"Pinagnanasahan mo ko, 'no?" nakangising tanong niya at nagulat ako sa sinabi niya. Wow ha, gumaganu'n! Mukhang lumalakas na ang hanging dito dahil sa kanya. May signal number four na sa library, classes suspended na!
"Yuck! Hindi 'no? Ano ang pinagsasabi mo, may sakit ka ba?" pandidiri sabi ko. Gumuhit sa aking mukha na kinilabutan talaga ako sa sinabi niya, hindi kasi kapani-paniwala ang sinabi niya.
"Bakit mo ginawa sa akin 'yun?" pagtatakang tanong niya sa akin at kumunot ang kanyang noo.
"Dahil wala na akong magawa, hindi ko rin masagutan ang lahat ng katangunan na pinapagawa ni Ma'am sa atin." pagdadahilan ko.
Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan, baka lumaki pa lalo ang ulo nito. Pero sa totoo lang, tama ang sinabi niya na pinagnanasahan ko siya. Hindi ko kasi talagang maiwasan na gumagwapo na talaga siya ngayon kaysa dati.
"Wala ka naman kasing utak 'pag sa pag-aaral na ang usapan!"panlalait niyang sabi sa akin. Mayamaya, pinitik niya ang aking noo. Ang sakit nang ginawa niya kaya napahawak ako sa noo ko at hinimas-himas ko 'yun.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
