Chapter 36: Her Birthday
Hindi ko namamalayan na ang bilis ng takbo ng araw, at birthday ko na pala ngayon. Nasa mall na ako para mag-celebrate ng aking kaarawan; kasama ang mga kaibigan ko. Isang simple lang ang pangyayaring ito dahil ayoko rin ng bongga. Ang importante sa akin ay maging masaya, at kasama ko ang mga importanteng tao na nandito sa aking tabi.
Kumain na kami sa isang restaurant na ako ang naglibre sa kanila. Tapos, naglaro kami sa isang arcade house. Mga isang oras na ang lumipas ay lumabas na kami sa lugar ng libangan, at nagkahiwalay na kami ng direksyon. May mga lugar pa kaming gustong puntahan na magkakaiba ang aming mga interes.
Nakausap ko rin si Jy tungkol sa nangyaring gulo nila ni Zean, at nasa isang lugar kami na walang nakakakita sa amin. Nag-sorry siya sa akin dahil mali rin ang kanyang ginawa, at kakausapin na niya si Zean para makipagbati na sila. Gumaan ang aking pakiramdam nang nalaman ko ito dahil sobrang nasaktan ako na masisira ulit ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.
Tama nga si Zean na kailangan munang palamigin si Jy para maging maayos ang lahat. Kilalang-kilala talaga ni Seatmate ang mga kaibigan niya. Ang hindi lang magbabago ay parang aso't pusa na kung mag-away sina Kyu at Jy. Magka-partner sila pero hindi sila nag-click sa isa't isa. Nakakatuwa pa rin na nagpunta sila kahit ayaw nilang magkita ngayon. Nakakagulat lang na sumama si Ace sa amin dahil ngayon ko lang siya naging ka-close. Maganda rin na makipag-celebrate sa ibang tao na tinuring din akong kaibigan.
Ang nakakalungkot lang ay hindi na nakapunta si Zean ngayon. Mukhang emergency talaga na ang pinuntahan nito, at hinihiling ko na hindi si Hanazel ang dahilan. Masakit kasi sa akin kapag 'yun na lang ang rason; nakakasira na siya ng relasyon namin bilang magkaibigan ni Zean. Kapag nangyari ang iniisip ko ay posibleng na magkahiwalay kami nang tuluyan.
Nakauwi na ako sa aking bahay at umabot na ng hapunan. Kasama ko ang buong pamilya ngayon para sila ang mag-celebrate sa aking birthday. Habang kumakain na kami ay biglang may nag-doorbell sa aming pintuan. Nagtataka lang ako kung sino 'yun dahil wala naman kaming inaasahan na may bisitang dadating ngayon.
Ako na ang nag-volunteer na tignan kung sino ang pumunta sa aming bahay. Binuksan ko na ang gate ngunit hindi ko na alam ang ire-react ko. Napakurap na lang ako sa aking pwesto na hindi ako sigurado na tama ba ang nakikita ko. Sumobra na yata ang aking imahinasyon kaya nakikita ko ang taong lagi kong iniisip. Walang iba kundi si Zean, at kasama niya si Uriel.
Anong meron ngayon at napadalaw sila? Hindi ko ineexpect na pupunta ang mga ito dahil alam ko na may sarili silang business. Sumalubong na lang ang dalawa kong kilay at hindi ko na mabasa ang kanilang reaksyon.
"Bakit ka nandito? Bakit ka napadalaw?" pananaray ko sa dalawang taong kaharap ko. Pumait bigla si Zean, at si Uriel ay hindi pa rin nagbago ang itsura na nakatingin lang sa amin. Hindi ko mapigilan na ganito ang ibabato ko dahil may inis pa ako kay Zean at nadamay lang si Uriel. Hindi man lang kasi nagsabi, nag-text, at tawag man lang para paghandaan ko ito.
"Meron ka ba ngayon kaya ganyan ka?" pagsusuplado niya sa akin. Pinalo ko siya nang malakas sa kanyang braso dahil nabigla ako sa kanyang narinig. Napadaing si Zean sa aking ginawa at napangiwi rin siya. Ngumiti naman nang maloko si Uriel sa amin.
Nakakainis talagang kausap si Zean, puro hindi maayos na salita ang lagi kong nakukuha. Sana naman, may matino siyang eksplanasyon para pumunta rito. Kapag wala akong nakitang magandang paliwanag, lagot na talaga siya sa akin.
Hindi ko na maintindihan kung bakit ako nagsungit, dahil siuguro ay laging gulat ko na totoo siya. Isang malaking sorpresa para sa akin ito. May nararamdaman akong tuwa dahil dinalaw niya pa ako kahit gabi na ngayon.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Ficțiune adolescenți- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
