Chapter 21: His Guardian Angel

8.9K 26 4
                                    

Chapter 21: His Guardian Angel

Oras na ng uwian namin, at na-survive ko rin ang aking mga klase ngayon. Pati na rin ang recitation sa Literature ay nasagot ko ang mga tanong na binigay sa akin ng teacher namin. Magpapasalamat ako kay Zean dahil pinahiram niya ako ng handouts kanina. Mabuti na lang na may mabuting loob siya ngayon, pero nakakatakot nga lang siya kung magalit.

Nasa coffee shop ulit kami ni Rouie ngayon para bumili ng cake na i-take out namin. Naghahanap na kami na pwedeng bilhin ngayon, dahil hindi na kami magtatagal ni Rouie sa coffee shop. May pupuntahan pa kasi siya ngayon, at ako naman ay kailangan ko pang makipagkita sa kuya ko. Habang tumitingin kami sa cake stand ay bigla akong kinausap ni Rouie.

"Tuesday anong nangyari sa tumawag sa iyo? May date na bang mangyayari sa inyo ni Renz?" diretsuhan tanong niya sa akin na kinikilig ang kanyang tono, habang namimili siya ng cake na pwedeng i-order.

"Walang nangyari." walang ka emo-emosyon sabi ko sa kanya, habang iniisip ko kung ano ang bibilhin ko.

"Joke ba 'yan?" diretsuhan tanong niya na may halong gulat sa kanyang tono, at napatingin ako sa kanya.

"Bakit mong napag-isipan na makipag-date ako sa kanya?" pagtatakang tanong ko sa kanya, at biglang kumunot ang noo ko.

"Gusto kong magka-boyfriend ka," pagdadahilan niya sa akin, at napansin ko na kumikinang ang mga mata niya, dahil sa mga iniisip niya.

"Rouie ano ba itong kalokohan mo?" diretsuhan tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

"Wala nakakatuwa kasi, kapag magka-lovelife ka na!" tuwang sabi niya at narinig ko siyang tumawa sa sinabi niya.

Ito na naman siya, nagiging hyper siya kapag usapang lovelife ang topic namin. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit importante sa kanya na magka-boyfriend ako. Okay lang sa akin kung siya na lang ang nag-boy hunt para sa sarili niya. Susuportahan ko pa siya kung ginawa niya 'yun.

"Nice answer." tipid na sabi ko sa kanya, at tumingin ako sa gusto kong cake na bibilhin ko.

"Bakit pala hindi natuloy na magkaroon ka ng date?" tanong niya sa akin na may halong pagdududa. Alam niya kasi na ayokong makipag-date sa kahit sinong lalaki na nag-aya sa akin, kaya iniisip niya na tumanggi ako sa alok ni Renz.

"May kumontra sa balak mo." sagot ko, at napatingin ulit ako sa kanya na meron akong seryosong mukha.

"Sino? Si Kuya Monday?" pagulat na sabi niya sa akin, at lumaki rin ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

Natatawa ako sa reaksyon ni Rouie ngayon, Kuya Monday kaagad ang unang naisip niya, kapag dating sa pag-reject ng mga dates. Sabagay, alam naman ni Rouie na sobrang higpit ang kapatid ko, kapag dating sa pagkakaroon ako ng boyfriend. Naalala ko tuloy na natakot din si Rouie kay Kuya noon, dahil nakita na niyang kung paanong mag-interview si Kuya Monday sa isang manliligaw ko.

"Hindi, si Zean." sagot ko sa kanya at bigla siyang naubo sa sinabi ko.

"Weh? Seryoso?" nagulat na sabi niya sa akin, at akala niya na nagbibiro dahil ayaw niyang maniwala sa aking sinasabi. Iniisip siguro ni Rouie na gumagawa ako ng storya sa nangyari.

"Oo, hindi ako nagloloko sa sinasabi ko." sabi ko sa kanya, at ang tono ko ay walang bakas na panloloko sa kanya.

"Kailan siya kumontra?" pagtatakang pagtatanong niya sa akin, at mukhang dito na magsisimula ang interview niya sa akin, eto ang parte na ayaw ko.

"Naalala mo ba noong pumunta ako sa garden, doon siya kumontra. Naabutan niya akong may kausap sa cellphone, tapos nakisali na siya sa eksena namin." pagkwekwento ko kay Rouie, at pinagpatuloy ko pa ring ikwento ang buong detalye ng nangyari sa amin ni Zean kanina.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon