Chapter 28: His Sister

7.6K 27 16
                                    

Chapter 28: His Sister

Ngayong araw na ito ng hapon ay nandito na ako sa mall para bumili ng regalo sa seatmate kong masungit. Kasama ko si Rouie, para tulungan niya ako sa aming paghahanap ng perfect gift para kay Zean. Gusto rin sanang sumama ang dalawa kong kaibigan sa mall para makapag-bonding kami. Pero, may ibang plano sila ngayon kaya hindi na namin nakasama sila sa araw na ito.

Nagsimula na kaming lumigid sa mall pero wala akong makita na pwedeng ibigay sa seatmate ko. Hindi ko kasi alam ngayon kung ano ang gusto ni Zean para sa birthday niya. Natatakot ako sa aking bibilhin baka hindi niya magustuhan ang napili kong gift. Mga isang oras na ang lumipas ay napag-isipan na naming mag-break muna, at doon na lang akong mag-iisip kung anong bagay ang pwedeng ibigay ko.

Nasa loob na kami sa isang kainan, at nagsimula na kaming bumili ng aming pagkain. Pagkatapos naming umorder ay naghanap na kami ng table. Ang sumunod naman ay kinain na namin ang biniling pagkain.

Habang nag-uusap kami ng aking kaibigan ay mayroong isang pamilyar na babae ang lumapit sa amin. Napatingin ako sa bagong dating na babae, at nagulat ako sa aking nakita. Ang kapatid ni Zean, at kaibigan ng mabait kong kuya ang lumapit sa amin. Hindi ko ito inaasahan ang pagkikita ng kapatid ni Seatmate na wala siyang kasama ngayon sa kainan na ito.

"Okay lang kung makiki-share ako ng upuan sa inyo? Wala na kasing bakanteng upuan sa restaurant ngayon; labasan na rin ng mga estudyante ngayon kaya marami na ang tao sa loob ng food chain." pagpapaalam ni Ate Ryn sa amin, at napatingin ako sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na marami na palang tao sa loob ng kainan, at parang kanina lang ay walang taong kumakain dito. Napag-isipan ko na lang na pumayag na ako; dahil kilala ko naman siya, at mas maganda kung may kasama kaming bago rito.

"Sure, Ate Ryn." tuwang sagot ko sa bagong dating na babae.

"Thank you, Tuesday." sabi ng kapatid ni Zean, at umupo na sa bakanteng upuan ng table namin. Si Rouie naman ay meron siyang mukha na hindi maipinta dahil sa nakita niya ngayon.

"Tuesday, kilala mo ba ang babaeng umupo sa atin?" pabulong sabi ni Rouie sa aking tabi, at sumalubong ang dalawa kong kilay sa nangyari sa amin.

"Oo, bakit?" nalilitong sabi ko sa kanya, at kumagat ako sa aking burger.

"Sino siya, ang ganda ng babaeng nakasama natin ngayon na para siyang model?" natutuwang tanong niya sa akin, at meron siyang ngiting nakakaloka.

"Si Ate Ryn 'yan, kapatid ni Zean kaya huwag ka nang magsalita ng kung anu-ano. Kapag narinig ni Zean ang sinabi mo, baka batuhan na tayo ng isang blokeng yelo sa pwesto natin." paliwanag ko kay Rouie, at nabilaukan siya sa kanyang kinakain. Mukhang nabigla na siya sa aking sagot, dahil parang hindi makatotohanan ang aking pinagsasabi.

"Seryoso ka ba diyan, Tuesday?" pagulat na tanong niya sa akin na akala niya na gawa-gawa ko lang ang aking sinabi.

"Oo, hindi ako nagbibiro ngayon sa aking sinabi." seryosong sabi ko kay Rouie, at hindi na ako nagpakita sa kanya na isang joke ang nasagot ko.

"Kapatid talaga siya ni Zed?" pasigaw na tanong ni Rouie na parang nakalunok ng mikropono sa lakas ng boses. Napansin ko rin na nagsisitinginan na ang mga tao sa amin dahil sa sigaw ng aking kasama.

Natatawa na talaga ako kay Rouie na parang hindi talaga makapaniwalang kapatid ni Zean ang kasama namin ngayon. 'Yung mukha niya kasi ay parang namutla sa gulat dahil sa sinabi ko. Si Ate Ryn naman ay napangiti siya sa amin, at narinig namin siyang tumawa sa sitwasyon na meron kami ngayon.

"Totoo ang sinabi ni Tuesday na kapatid ako ni Zean, Miss." sagot ng kapatid ni Zean sa amin. Si Rouie naman ngayon ay kumurap na lang siya sa amin dahil sa kanyang narinig na usapan.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon