Chapter 2: Her Feelings
Nang natapos na akong mag-drama sa Green Field ng aming paaralan, pumunta muna ako ng comfort room para mag-ayos ng aking sarili para hindi mahalata na umiyak, at maging tao naman ako.
Mabuti na lang na hindi ko kasabay umuwi si Rouie ngayon, baka kasi magtaka kung bakit ganyan ang itsura ko. Ayoko pa namang sabihin tungkol sa naging usapan namin ni Zean, dahil sariling problema ko na ito. Pagkatapos kong mag-comfort room ay dumiretso na ako sa aming bahay.
Nang nakauwi na ako sa bahay namin, dumiretso ako sa kusina para kumuha ng isang basong tubig dahil nauuhaw na ako. Pagkapunta ko, nakasalubong ko si Kuya na may dala-dala siyang cookies na nakalagay sa plato.
Dumiretso na siya sa dining table para umupo, at nilipag na niya ang cookies na hawak niya sa table. Habang ako naman ay may dalang basong tubig. Umupo na ako sa harapan niya na bigla na lang niya akong kinausap at kinamusta.
"Bakit ganyan ang itsura mo, parang may namatayan?" pag-aalalang tanong niya. Nakita niya ang aking namamagang mata dahil sa kakadrama ko kanina.
"Wala lang ito Kuya, puyat lang siguro ito." sagot ko sa kanya na walang emo-emosyon.
Mukhang nanenerbyos na ko sa susunod na itatanong niya. Nababasa ko kasi ang kanyang mukha na hindi siya kombinsido sa aking sagot. Sabay uminom ako ng tubig na galing sa kusina kanina.
"Na-reject ka sa isang tao, 'no?" biglang tanong niya na may halong pang-aasar na nakangisi sa akin. Bigla akong nagulat sa aking narinig, dahil tama ang mga sinasabi niya. Bigla akong nasamid sa iniinom kong tubig.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit ka nasamid? Na-bullseye ko ba?" gulat na tanong niya sa akin sabay ngiting-pusa ng Alice in Wonderland, kaya minsan nawi-weirduhan ako sa mga kilos ng kuya ko.
"Actually Kuya, maybe." nanginginig na sagot ko sa kanya sabay inom ulit ng tubig. Nagsisimula na akong mag-open up sa kanya dahil si Kuya lang ang mapagkatiwalaan ko; mabilis niya kaagad kasi mabasa ang lahat ng kilos ko.
"Who?" biglang tanong niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay. Sabay kagat siya sa cookie na hawak niya. Mayroon na ako nararamdaman na tensyon sa aming kapaligiran.
"You know him already." simpleng sagot ko sa kanya. Ininom ko ulit 'yung basong tubig na kinuha ko.
"Ano, you know him already? Baliw ka ba? Ang daming lalaki na kilala mo at kilala ko rin! Paano ko malalaman kung sino? Ano ako? Manghuhula? Ano ako, si Madam Auring?" reklamong tanong niya sa akin.
Sabagay, tama siya na marami siyang kakilala na lalaki na kilala ko rin. Dahil 'yung iba ay ang mga kaibigan niya, at 'yung iba naman ay naging manliligaw ko noon. Kailangan daw kasi dumaan muna sa kanya bago manligaw sa akin, baka wala akong kinabukasan o lokohin lang ako sa magiging makatuluyan kong manliligaw. Mahigpit talaga sa mga ganyan si Kuya parang siya na ang nagsisilbing ama ko. Wala kasi lagi sa bahay ang mga magulang namin dahil busy sa kani-kanilang trabaho.
Bigla na lang akong tumawa sa harapan niya at pang-aasar na sabi ko na, "Natatawa na ako sa iyo Kuya! Grabe ka talaga kung maka-react! Tatay ba kita?" Paano ba kasi? Parang nasa television ng isang komedy film ang mukha ng kuya ko. Epic Win, talaga siya!
"Sino nga kasi? Wala akong panahon makipagbiro sa iyo!" inis na sabi niya sa akin. Kulang na lang pumutok na ang kanyang ulo parang bulkan, at isip-bata talaga ito si Kuya para lang inigawan ko lang ng candy. Naku, mahirap na ito 'pag ganyan na ang ugali niya.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
