Chapter 10: Regalong Sorpresa

10.3K 57 24
                                        

 Chapter 10: Regalong Sorpresa

Sa daming nangyari noong nakaraang araw ay naging bangag na ang aking itsura. Nasa classroom ako ngayon dahil napaaga ako ng pasok ngayong araw. May napansin ako hinding inaasahan sa aking lamesa, dahil may isang kahon ang nakalagay sa ibabaw nito. Habang tinitignan ko na 'yun, napansin ko si Uriel na lumapit sa akin.

"Hello there, Miss Tuesday!" pabating sabi at inakbayan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kinikilos niya, bakit niya ginawa sa akin 'yun?

"Uhm," 'yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Medyo nailang ako sa kanya, dahil hindi ko gaanong kakilala ang nag-akbay sa akin. Ang alam ko lang ay kaklase ko siya at kaibigan ni Zean. Hindi pa kasi kami masyadong nag-uusap bukod lang sa group study na naganap last Thursday.

"Tuesday, may boyfriend ka na ba?" pabatong tanong niya.

"Wala naman," nahihiyang sagot ko. Parang ang lakas ng trip ni Uriel ngayon, kung anu-ano ang mga tinatanong sa akin pati buhay ko nadamay na.

"Can I go out with you? Kailangan ko kasi sa isang dare, please!" pagpapaalam niya habang nakaakbay pa rin siya sa akin. Grabe, nabigla ako sa tinanong niya.

Nagtataka lang ako kung bakit ako pinili ni Uriel na gawing ka-dare niya. Parang niloloko at pinagtritripan lang ako sa ginagawa nila. Bakit kaya nauso sa mga kaklase kong lalaki na maglaro ng dare ngayon? Ang lakas talaga ng mga trip nila ngayon.

"Pag-iisipan ko muna," sagot ko at nahihiya ako sa nangyari. Nahihirapan akong sagutin ang tanong niya, baka kasi magalit kung tanggihan ko siya.

Hindi ko namalayan na nandito si Zean sa harapan ko, at sinimulan niyang katukin sa ulo ang kanyang kaibigan nang napakalakas. Napabitaw tuloy si Uriel sa pag-akbay niya sa akin at napahawak tuloy sa ulo, dahil sa sakit ng ginawa ng aking seatmate.

"Aray! Ang lakas ng ginawa mo, Zed!" pagrereklamo ni Uriel kay Zean. Nakahawak pa rin sa ulo at hinihimas niya ito. Ang brutal talaga itong tao na ito. Hindi rin pinatawad ang kanyang kaibigan na saktan 'yun.

"Sa dami-raming pwedeng maglaro ng dare sa loob talaga ng classroom." pagalit na sabi ni Zean kay Uriel. Parang malapit na ni Zean patayin si Uriel dahil sa sama niyang tingin. Puro kakulitan kasi ang alam ng mga kabarkada niya.

"Bakit ka nagagalit? Dati pa naman kaming naglalaro ng dare sa classroom. Problema mo, Tol?" pagtatakang sabi ni Uriel kay Zean at inakbayan niya ito.

"Wala kayo talagang magawa sa buhay nang matino." seryosong sabi niya at tinanggal ang pag-akbay ni Uriel sa kanya.

"Zed, baka ayaw mo lang 'yung pinapagawa sa akin, dahil si Tuesday ang niyaya ko sa dare na pinapagawa nila." pang-aasar na dahilan ni Uriel kay Zean. Samantala ako, hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Hindi 'yun, ang gugulo niyo kasi puro kalokohan lang ang alam niyo sa buhay." pagalit na sabi ni Zean kay Uriel. Biglang binato nang napakalakas ang kanyang backpack sa may pwesto niya.

"Selos ka lang kasi." ngising sabi ni Uriel kay Zean at pinalo niya ito sa likod.

"Hindi ako nagseselos." seryosong sagot niya at umupo na siya sa kanyang upuan.

"Deny ka pa, Tol!" pasagot ni Uriel kay Zean. Sinamaan na lang ng tingin ni Zean si Uriel.

Mali naman ang sinasabi ni Uriel kay Zean na nagseselos 'yun. Imposibleng magseselos si Zean kapag may karelasyon siyang iba na gustong-gusto niya. Unless, meron siyang nararamdaman sa akin pero hindi ito mangyayari, dahil lagi niya akong sinusupladuhan kapag kinakausap ko siya. Saka, ang sama kung magsalita sa akin, mga puro sakit sa damdamin lang ang naririnig ko sa kanya. Kakaiba talaga ang mga pag-iisip ng mga tao ngayon, kung anu-ano na lang ang sinasabi.

45315454 1351919175Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon