Chapter 5: Labing Otso
18?
18 ang nakuha kong sagot sa problem solving na binigay.
Pero hindi ko na-gets ang clue na binigay dahil numero pa rin.
Ano ang koneksyon?
Ano meron sa 18?
18 chairs?
18th Floor?
18 na edad?
18 candles?
18 stars?
Ano ba 'to? Maraming meaning sa number 18, at masyadong vague naman ang binigay sa akin ni Mysterious Person. Mukhang hindi pa mare-reveal kung sino talaga siya hangga't makuha ko ang lahat ng clue na ibibigay niya.
Paano ko nga pala nakuha ang sagot na ito? Ayon sa nabasa ko, ganito ang gagawin sa mga sumusunod.
Una : Write the Powers of 2 from right to left in Ascending Order Below Binary Digits.
0 1 0 0 1 0
2
32 16 8 4 2 1
Pangalawa: Add the Powers of 2 which is below the 1's Digit.
0 1 0 0 1 0
2
32 16 8 4 2 1
16 + 2 = 18
Pangatlo: The Sum is the Decimal Equivalent of the Binary Number.
Bali, ang sagot ay ang numerong 18 dahil 'yun ang sum ng 16 + 2 na nakuha ko kanina.
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip dito kaya itutulog ko na muna ito. Bukas ko na lang hanapin ang posibleng maging clue sa binigay na sulat.
Kinabukasan, nasa may stone tables ako ngayong umaga. Gumagawa kasi ako ng aking homework na hindi ko pa nagagawa. Mayamaya, may lumapit na sa akin at si Rouie pala 'yun. Mukhang napaaga rin siya ng pasok ngayon, tumabi siya sa akin at nagsimula na rin niya ako kausapin dahil napansin niya ang kalagayan ko ngayon.
"Tuesday, mukhang may iniisip ka na naman diyan," sabi niya.
"Oo nga eh, may assignment pa ako na hindi pa tapos dahil nahihirapan akong sagutin. Napasubo pa ako sa sulat na nakuha ko." pagpapaliwanag na sabi ko habang tinutuloy ko pa ring gawin ang aking assignment.
"Siya nga pala, ano na pala nangyari sa sulat? Nakuha mo na ba 'yung sagot?" pangungumusta niya.
"Ayun, nakuha ko na 'yung sagot sa problema na binigay ni kung sino man. Tapos, nakuha ko 'yung sagot sa internet." dire-diretsong sabi ko habang naka-focus pa rin ako sa sinusulat. Konti na lang kasi ang oras ko gawin iyon.
"Wow, researcher ka ngayon! Galing!" tuwang sabi niya at pinalakpakan niya ako dahil nakuha ko ang sobrang hirap na tanong.
"Nakuha ko nga 'yung sagot pero hindi ko naman na-gets kung bakit ganu'n." pagpaliwanag na sabi ko. Natapos ko na rin ang aking pagsusulat sa notebook ko kaya tinago ko ang aking mga gamit sa bag.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!