Chapter 40: Unfortunate Events

1.3K 11 15
                                        

Chapter 40: Unfortunate Events

Hindi ko iniisip na isang linggo na ang lumilipas ay hindi ko pa rin pinapansin ang aking kapatid. Nagi-guilty tuloy ako sa aking sarili na parang sobra ang ginagawa ko. Sa sobrang miss ko na ang aking kuya ay nakapagdesisyon ako na kailangan ko na siyang kausapin para maayos ang buhol-buhol na problema.

Hindi naman ako 'yung taong gustong papatagalin pa ang ganitong sitwasyon, dahil para na rin akong nalulunod sa ilalim ng dagat. Siguro, mas maganda na pag-uwi ko na lang sa bahay, o kapag nakita ko siya ay haharapin ko na ang gulong ito. Mahirap na kung sa susunod na araw ko pa gagawin baka hindi ko pa siya makasalubong, at habang buhay na kaming ganito.

Nandito ako sa classroom na nakatambay ngayong umaga, at nagbabasa ng isang article para sa isang subject namin. Habang seryoso ako sa aking ginagawa ay nakita ko ang aking seatmate na nilapag ang kanyang gamit sa pwesto niya. Napapansin ko na nagmamadali siyang umalis sa kanyang lugar na mukhang may nangyayaring kakaiba. Sinundan kaagad ng aking paningin si Zean na pumunta sa may pintuan, at kasama niya si Hanazel na lumabas sa silid.

Ano kaya meron sa kanila? May something ba talaga sila kahit hindi nagsasabi si Zean sa akin? Bakit kaya ang seryoso ng mga itsura nila? Bakit sila magkasama ngayon? Mukhang may mabigat na tensyon sa kanila na hindi ko alam kung ano. Hindi ko na masyadong iniisip ang bagay na ito dahil mas importante pa ang hawak kong article ngayon. Nakakatakot kapag nahuli ako ng aking teacher na wala akong alam sa discussion namin na pwedeng mapagalitan ako, at nakakahiya kapag nangyari iyon.

Ang importante rin ay hindi ako kasali sa kanila na posibleng ipapahamak ko. Wala na rin akong magagawa kung may something sa kanila dahil 'yun na ang desisyon ni Tadhana. Isama pa na hindi na maganda sa aking kalusugan kapag nag-iisip ako nang sobra na puro kamalian lang pala. Naiinggit lang ako dahil bagay rin naman silang tignan kahit tutol ako.

Mga 35 minutes na ang lumipas ay napansin kong bumalik na ang dalawa. Si Zean ay sobrang seryoso kung bumalik sa kanyang upuan at hindi niya ako pinansin; lagi naman niyang gawain 'yun. Si Hanazel naman ay hindi masaya ang mukha na parang wala siyang buhay. Ang weird lang na wala sa usual self si Hanazel, at mukhang may ginawa yata si Zean na nakabasag ng kanyang puso. Hindi ko na hinukay kung ano ang nangyari sa dalawa, at dumating na rin ang aming guro para magsimula na ang klase.

Umabot na rin ng lunch time ay nagsimula na naming i-enjoy ang break. Nang natapos na kaming kumain ay nagsimula na kaming bumalik sa aming mga classroom dahil patapos na ang free time. Bago ako pumasok sa silid ay naisipan kong pumunta sa comfort room nang mag-isa. Ang mga kaibigan ko kasi may mga gagawin pa silang iba kaya bumalik sa kani-kanilang kwarto.

Nang natapos ko nang gawin ang kailangan sa banyo ay pabalik na ako sa silid. Habang nagalalakad na ako ay bigla kong nakalasubong si Hanazel sa may stairway. Masama ang itsura niya na parang nagdadala na ng sumpa sa paligid. Mukhang hinihintay niya rin ako para kausapin ako ng solo dahil walang ibang tao sa paligid bukod sa amin.

Kinakabahan na ako dahil may nararamdaman akong hindi maganda na kausapin ang maltidang babae na ito. May naamoy na akong panganib kapag haharapin ko siya dahil nakasulat ito sa kanyang mukha. Hindi ko na siya pinansin para makaiwas pero nabigo nang dahil sa sinabi niya.

"Hay naku! Nandito ang panira ng buhay ko! My day is ruined because of you! Mukha ka pang kuto!" pang-iinsulto ni Hanazel, at napakunot ako ng noo sa aking narinig.

Bakit kaya siya nagpaparinig sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya na ngayon ko lang siya nakausap at nabangga. Napalapit na lang ako sa kanya sa may hagdanan para harapin siya, at malinawan ako sa kanyang tinutukoy. No choice na talaga ako, dahil kahit iwasan ko pa ang lintang ito ay gagawa talaga ng kalokohan para pansinin ko siya.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon