Chapter 6: Prince Charming
Noong una, hindi ko namukhaan kung sino ang nagtanong sa akin. 'Yun pala si Kyu pala ang nagtanong, isa sa mga kaklase ko ngayong taon. Since puno na ang café at meron pang bakante sa pwesto ko ay pumayag na lang ako na pwede siyang umupo sa tapat ko.
"Ah, okay! Thank You!" sabi niya. Umupo na rin siya sa harapan ko na may dala siyang iba't ibang klaseng cake at isang vanilla frappe na inumin. Sa isip-isip ko, kaya niya bang ubusin lahat ng hawak niya? Sobrang dami kasi ng pagkain para sa isang tao ang inorder niya. Mayamaya, napuna na niya ang itsura ko ngayon. Siguro, nakita niya ang pagtulo ng luha ko kanina.
"Bakit namamaga ang iyong mga mata, umiyak ka ba?" biglang tanong niya sa akin, at sinisimulan na niyang kainin ang isa sa mga inorder niyang cake na strawberry shortcake.
"Wala lang 'to." diretsong sagot ko sabay tinago ko 'yung panyo na ginamit sa pagpunas ng aking mga luha.
"Mukhang umiyak ka talaga, may nangyari ba sa iyo?" tanong niya at isa pa 'tong intrigretero sa buhay ko. Akala niya na close kami pero sinabi ko naman 'yung dahilan baka hindi ako tigilan nito.
"May naalala lang ako." tipid na sagot ko at sinimula ko na kainin ang inorder ko.
"Sino naman? Ano 'yun?" tanong niya at uminom siya sa kanyang vanilla frappe. Ito nga ba ang sinasabi ko. Medyo may pagkachismoso siya at hindi niya ako papalampasin.
"Ah, 'yung dati kong kaibigan, lagi kasi kami magkasama sa café na ito. Pero ngayon, hindi na dahil hindi na kami gaanong ka-close ngayon. Ayaw na kasi niyang makipagkaibigan sa akin ngayon at sabi niya na kalimutan ko na siya." pagpapaliwanag na sabi ko pero hindi ko na sinabi kung sino 'yun. 'Pag nalaman pa niya baka lalo pang lumalala ang isyu ko.
"Ang sama naman ng ugali niya!" inis na sabi niya sabay subo sa isang cake na inorder, at pareho kaming nagsimulang kainin ang kanya-kanyang order.
Nu'ng tinitignan ko siya habang kumakain, hindi ko maiwasan sabihin na gwapo talaga siya, dahil may pagkaputi ang kanyang balat, singkit ang kanyang dalawang mata, may mapupulang labi. Wait teka! Ano ba ang sinasabi ko? Saka, bagay sa kanya 'yung medyo mahaba ang kanyang buhok na may kulay pula kahit bawal ito sa school. Mayamaya ay napansin niya ako at nagsimula siyang magtanong.
"Bakit, may problema?" tanong niya at bigla akong nag-isip ng palusot. Kaya nagtanong na lang ako sa kanya, baka kasi isipin niya na pinagpantasyahan ko siya ngayon.
"Hindi ba bawal ang may kulay ng buhok sa school natin?" tanong ko bigla sa kanya.
May rule kasi talaga sa amin na bawal ang makukulay na buhok. Ang pwede lang na kulay ay itim at brown. Okay lang kung blonde ang buhok ng student, basta mapapatunayan na isa siyang foreigner. Pansin ko rin na kada-taon ay laging siyang nagpapalit ng kulay ng buhok. Naging pink pa noong nakaraang taon 'yung buhok niya, at ang lakas din ng tama niya na magpakulay ng buhok. Sa susunod siguro baka mukhang rainbow na ang babalakin niya ipakulay sa buhok niya.
"Sino ang nagsabi?" tanong niya sabay dinuro-duro sa akin ang tinidor na hawak niya.
"Handbook," simpleng sagot ko sa kanya.
"Hindi naman nasusunod ang rule na 'yan. Sa daming kaso na nangyayari sa school, hindi na napapansin ang proper dress code natin." pagdadahilan na sabi niya sa akin at may point naman 'yung sinabi niya. Sa kaso pa lang na bullying ay wala na nga nangyayari. Paano pa kaya 'yung iba pang rules and regulations?
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!