CHAPTER 3:

1.2K 36 3
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 3:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

HANAMICHI SAKURAGI'S POV

*** DORM ***

"Oh ano Hanamichi? Kamusta kanina sa gymnasium?" Tanong ni Mito sakin.

"Nagsapakan ba kayo nung Matsing ng Kainan?" Takamiya

"Baka naman inaway mo ang mga dating nailampaso mong players?" Noma

"Oo nga Noma noh? Ansama kase ng ugali niyang si Hanamichi." Ohkusu

"Ano bang pinagsasabi mo dyan amerikanong hilaw? Pinag-uusapan lang namin ang mga dating ace player na nasa amerika na ngayon." Sagot ko

"Ace player na nasa Amerika? Diba sali na dun si Rukawa?" Mito

"Oo at sinabi din sakin ni Matsing na nandun din daw sa amerika sina Eiji ng Sannoh, Minami ng Toyotama at Moroboshi ng Aiwa." Ako

"Nyahahaha paano pag magkasama silang apat sa iisang kuponan Hanamichi? Makakaya mo ba silang talunin?" Takamiya

Tiningnan ko siya at nginisihan...

"Aba syempre naman! Ako pa! Lalo na't kasama ko rin ang mga dating Mythical 5 ng Kanagawa." Nakangising sagot ko. "Ang dating Mythical 5 at sinabayan pa ng Henyong si Hanamichi Sakuragi na Hari ng Rebound, masasabi ko na kayang-kaya namin lampasuhin ang apat na yun lalong-lalo na si... Rukawa." Dagdag ko pa.

Bigla naman siyang pumasok sa isip ko ang mukha niya...

("Gunggong..." Rukawa)

"Grrrrrrr matatalo rin kita balang araw, Rukawa!" Sabi ko sabay yukom sa kamao ko.

(Kringgg!... Kringgg!... Kringgg!...)

"Ako nang sasagot." Tumayo si Takamiya at sinagot yung telepono. "Hello! This is the dorm of 4 special army and Hanamichi Sakuragi what can i help you?"

"Sira ulo ka Takamiya! Ampanget ng introduction mo!" Ohkusu

"Tumigil ka! Mas panget ka!" Takamiya

["Hello? Si Haruko ito..."]

"Ha? Haruko?" Agad akong napatayo at inagaw kay Takamiya ang telepono.

"Hello my Haruko? Napatawag ka sa gwapong ito?" Tuwa kong tanong.

["hahaha wala naman Sakuragi. Nga pala, kamusta ang unang araw mo dyan sa Tokyo?"]

"Naku ayos lang, napakagandang bungad lalo na sa sasalihan kong basketball team!" Sagot ko habang di parin nawawala ang ngiti ko.

Sinong hindi mapapangiti dito? Kausap ko ngayon ang babaeng mahal at pinakamamahal ko... Si Haruko my loves!

["Talaga? Anong pangalan ng Team niyo?"]

"Ayy... Hehehe nakalimutan kong itanong kay Sendoh eh..." Napakamot ako sa ulo ko.

"Tanga ka talaga kahit kaylan, Hanamichi..." Noma

"Tumahimik ka dyan, Erap!" Tiningnan ko ng masama si Noma at binalingan ko ulit ng atensyon ang tawag ni Haruko.

["Si Sendoh? Yung Ace player ng Ryonan?"]

"Oo." Sagot ko

["Nandyan din siya sa Tokyo?"]

"Oo at makakasama kami sa iisang Team."

["Hala! Talaga?! Ang galing!"]

"At hindi lang siya Haruko, kasama rin ni Sendoh sa Team sina Fukuda, Ikegami ng Ryonan." Sabi ko.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon