CHAPTER 86:

620 33 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHEES

CHAPTER 86:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Matapos sabihin ni Yuki ang tungkol sa seperate training niya, si Hanamichi ay nanatili parin sa kanyang isipan ang tungkol sa palautang na MVP'ng sinasabi ni Yuki.

"Sino naman kaya ang palautang na MVP na yun?" tanong ni Hanamichi habang naglalakad.

Pagkatapos ng traning nila kanina ay umuwi sila ng alas-sais ng gabi. Maaga nilang tinapos ang training dahil sasabay sa selebrasiyon ang buong Team sa pista ng mga bituin.

Mula sa apartment nila, si Hanamichi ay nakatayo sa salamin habang inaayos ang pagkaipit sa buhok. Nakasuot siya ng itim na lousy jeans at XXL na puting t-shirt. Simpleng pormahan lang sa madaling salita.

"Hoy, kayong apat! Mauna na ako sa inyo!" paalam ni Hanamichi sa kaibigan.

Ang apat na ungas ay naghahanda rin sa pag-alis.

"Teka lang Hanamichi, sasabay kami!" sabi ni Takamiya sa kanya.

"Ayoko nga! Baka isturbohin niyo lang kami ni Haruko!" masungit na sagot ni Hanamichi.

"Hoy ka rin Hanamichi, alam namin na solong-solo ka na kay Haruko. Mag-iingat ka... baka makalimot ka." paalala sa kanya ni Noma sa kanya.

Naningkit ang mga mata ni Hanamichi sa sinabi nila.

"Ano bang akala niyo sakin? Hindi ako ganung lalake!" pagtatama niya.

"Owws talaga? Tatandaan mo, you are still a man." sabi rin ni Ohkusu.

Napahilamos na lang ng mukha si Hanamichi sabay salita sa isipan. "Pambihirang apat na ungas na'to... Lalabas lang kami ni Haruko kase pista. Ano bang iniisip ng mga ugok na'to? Hayssss ewan."

Tumalikod na lang si Hanamichi sa kanila saka kumaway.

"Bahala kayo sa gusto niyong isipin. Basta ang masasabi ko lang ay... Matino akong lalake. Singkwentang babae na ang bumasted sakin at niisa sa kanila ay wala akong kabastusang ginawa." sabi niya hanggang sa nakarating siya sa pinto.

Bago pa man siya tuluyang umalis ay may pahabol pa siya.

"At yun ang dahilan kung bakit malapit parin ang loob ni Haruko sakin." Ngumisi si Hanamichi.
"Kita kits na lang sa inyo!" sabi nito saka kumaripas ng takbo.

At naiwang nakatayo ang apat na ungas habang nakatingin sa gawi ng pinto.

Huminga ng malalim si Mito at napakamot ng pisngi.

"Talagang nagiging mature na siya." ngiting wika niya.

Si Ohkusu naman ay napaekis ng kamay saka tumingin sa kawalan.

"Hindi ko akalain na seseryosohin nya yung sinabi natin. Ano kaya ang nakain ni Hanamichi?"

Sinundot naman siya ni Takamiya. "Siguro natututo na siyang magseryoso, dahil siguro sa basketball."

"Mukhang tama ka. Walang ibang pangarap si Hanamichi kundi maging pinakamagaling na Player." wika rin ni Noma.

Mahinang tumawa si Mito sa sinabi ni Noma.

"Tama na nga yan. Hindi na siya isip bata. Matuwa na lang tayo." sabi niya sa kasama.

Pagsapit ng alas syete ay saktong dumating si Hanamichi sa lokasyon kung saan sila magkikita ni Haruko.

Nakatayo siya sa isang tindahan na may mga cotton candy, dumplings, onigiri at iba pa.

"Sakuragi!"

Agad tumingin si Hanamichi sa tumawag sa kanya at nakita niya si Haruko na nakangiti sa gawi niya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon