SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 114: Tokyo Vs. Akita
(PS: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Dahil sa halimaw na dunk ni Mikio, si Hanamichi ay aksidenteng bumagsak at tumama sa mga upuang bakal na siyang dahilan ng pagdurugo ng kanyang ulo.
Hindi sinasadya ni Mikio ang nangyari. Ang gusto niyang mangyari ay talunin si Hanamichi at hindi ang saktan ito. Inalalayan niya itong tumayo at mismong sinamahan pa papuntang clinic.
Dahil sa nangyari ay nagkaroon ng injury time-out.
"Bumalik ka na dito, Mikio. Ang mga kasamahan na niya ang bahala sa kanya." Sabi ni Masashi sa kanya pero umiling lang si Mikio.
"Hindi kuya. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Kung maaari lang sana ay palitan niyo muna ako sa court, baka ma-forfeit tayo."
"Hindi tayo mafoforfeit kapag maglaro ka."
"Hindi nga!" Tumaas ang boses ni Mikio na ikinagulat ng Kuya niya. "At isa pa... Nakakawalang gana maglaro kapag wala si Sakuragi sa loob. Siya lang ang gusto kong kalabanin at wala nang iba." Dagdag pa nito at nagsimula na silang maglakad.
Naiwang nakatayo si Masashi habang nakatingin sa gawi nila. Naiinis siya sa katigasan ng ulo ng kanyang kapatid. Umiling siya at nilapitan lugar ni Coach Kawarama.
Si Coach Kawarama ay hindi niya naintindihan ang nangyayare. Bakit kailangan pa yung gawin ni Mikio kay Sakuragi ee magkalaban sila.
"Masashi... Ano sa tingin ni Mikio ang ginagawa niya?" Tanong niya.
"Pasensya na Coach. Pinagsabihan ko na siya pero ayaw makinig sakin. Ang sabi niya palitan daw muna natin siya." Sagot ni Masashi.
"ANO! Nahihibang ba siya?! Kailangan natin siya sa laro!"
"Yun din ang sinabi ko wala eh. Ayaw makinig."
"Haaaaaaaysss..." Sumandal sa upuan si Coach Kawarama at hinilot na lang ang noo. "Walang katapusang problema. Oh siya sige na. Hayaan mo muna si Mikio. Papalitan muna natin siya."
"May sinabi pa siya sakin kanina: babalik lang daw siya sa court kapag maglalaro na ulit si Sakuragi." Dagdag pa ni Mikio.
Napatingin si Coach Kawarama sa kanya. "Kishimoto!"
"Po, Coach?" Sagot nito.
"Ikaw ang papalit kay Mikio."
"Okay, po!"
Si Coach Zakusa naman ay pinagtutulak si Kiyota papasok sa court.
"Ikaw, Kiyota. Pasok! Ikaw ang papalit kay Sakuragi!" Sabi nito sa kanya.
"Pwede naman akong pumasok ng payapa hindi yung itutulak mo pa ako!" Inis na sabi ni Kiyota.
* * * C L I N I C * * *
Si Haruko pati ang apat na ungas ay dali-daling nagtungo sa clinic ng gymnasium para tingnan nag kalagayan ni Hanamichi.
"Bilisan natin baka kung napano na si Hanamichi sa kamay ng bakulaw na Kawata na yun!" Sabi ni Mito habang tumatakbo.
"Masama 'to. Baka magwala si Hanamichi." Hula ni Takamiya.
"Lagot, siguradong mawawasak tong gymnasium." Ohkusu
"Pero mas nag-aalala ako sa bakulaw. Baka kung anong gawin ni Hanamichi sa kanya." Singit ni Noma.
Napayuko si Haruko habang tumatakbo. "Wag naman sana." Dasal niya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...