SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 28: TOKYO VS. OSAKA
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
3 minutes bago matapos ang first-half, ang kasalukuyang score ng Tokyo ay 49 at sa Osaka naman ay 12 na.
Pagbalik nila sa court ay kasama na ng Osaka ang kanilang Main Center ng Team, si Akane Gyoku na may tangkad na 215 cm at 150 kilos kaya may angking kalakasan din ito pag sa pwersahan na.
Naging seryoso ang ihip ng hangin ng Tatlong-others ng Tokyo na sina Daisho, Watanabe at Nishizaki. Napawika sila sa isa't-isa...
"Mukhang mapapasubo na tayo dito..." Watanabe
"Talaga bang college player pa yan?" Daisho
"Sa palagay ko siya na yung pinakamalakas na player ng Osaka Team..." Nishizaki
"Kahit gaano pa yan kalakas wala akong pakealam, Kengkoy..." bulong ni Hanamichi sa tenga niya.
Agad napalayo si Nishizaki sa kanya sa gulat.
"Wag ka ngang magyabang---" pinutol ni Hanamichi ang sasabihin niya.
Tumingin si Hanamichi kay Gyoku at tinuro ito...
"AKO ANG MAGPAPABAGSAK SAYO!" Nakangising sabi ni Hanamichi pero napalitan agad ito ng seryoso... "Humanda ka..."
Napaismid sa kinatatayuan si Gyoku.
"Hahaha masyado ka pang bata para insultuhin mo'ko ng ganyan bata." Gyoku
"Mukha ba akong nag-iinsulto?" Hanamichi
"Ano bang tawag sa sinasabi mo?"
"Bakit? Naiinsulto ka?"
"Wala kang galang, 3rd year na ako at halatang first year ka pa, kaya---"
"Sinong may pake dun?"
"Aba talagang---"
"Galangin mo lelang mo..." umiwas ng tingin si Hanamichi sa kanya.
Inis na napayukom ng kamao si Gyoku dahil sa inis.
"Grrrrrrrghhh... Walang modo..."
Tinap ni Hayato ang balikat niya para pakalmahin siya.
"Wag mo nang pansinin yun. Ganun talaga ang ugali ng Sakuragi'ng yun, walang sinasanto." Hayato
"Ako ang magbabantay sa lalakeng yun..." Gyoku
(Pumito!...)
Ibinigay ng Referee ang bola sa Osaka dahil si Hanamichi Sakuragi ang huling nakagawa ng puntos. Hawak ulit ni Hayato ang bola at sinimulan na nito ang pagdidribol.
"TEAM! HUMANDA SA OPENSA! KAILANGAN NATING BUMAWI!" sigaw ni Hayato.
"OO!!!!" sagot nila.
Sa upuan ng mga Audiences napanganga ang apat na ungas pati na sina Haruko nang makita nila si Gyoku.
"Aba! Siya na ata ang pinakamatangkad na Taong-gubat na nakita ko." sabi ni Takamiya.
"Oo nga, di hamak na mas matangkad pa siya kaysa nung huli nating makita yung Center ng Sannoh na si Mikio Kawata na 210 ang tangkad." Mito
"Pambihira, pati bigote niya sinakop ang kalahati ng mukha niya... Para siyang barbaro sa hitsura niya." Ohkusu
"Mas mukha pa siyang matanda sa Coach nila." Noma
"Grabe ang tangkad niya, kaya ba ng Tokyo na talunin siya?" Fujii
"Mukhang imposible yan, Fujii." Mutsui
"Kaya ng Tokyo na talunin siya, maniwala kayo. Alam ko at naniniwala ako na kayang-kaya siyang tapatan ni Sakuragi." nakangiting sabi ni Haruko.
"Bwahahaha kung sabagay Haruko tama ka." Takamiya
"Isang Killer eye lang yan ni Hanamichi, tumba na yan!" Ohkusu
" Naalala ko pa noon nung nasa kanto kami... May daanan kami ni Hanamichi na isang lalake na halos 6'10 ang tangkad... pero napatumba lang ni Hanamichi gamit lang yung pinag-eensayuhan niyang KILLER EYE." wika ni Mito na tila inaalala ang pangyayare.
("Ito... Ang KILLER EYE!
killer eye!
Killer eye!
Killer eye!
Killer eye, killer eye, killer eye, killer eye, killer eye, killer eye...
KILLER EYE! AARRGGHHHHRRRRR!!~" Hanamichi)
"BWAHAHAHAHA..." Tawa ng apat na ungas.
Pagkatapos nilang magtawanan binalingan nila ulit ng atensiyon ang court.
"RAAAAGHHHHHHH~..." Gyoku
*DUNK!*
"YAAAHOOOOOOOOOOOOO!!!..." Hiyawan ng mga tao.
"GYOKU ANG GALING MO!"
"GYOKU!
GYOKU!
GYOKU!
GYOKU!..." Cheer ng mga tagasuporta nila.
Inis na tiningnan ni Hanamichi si Gyoku na nakaismid sa kanya.
"Nasaan na yung pinagyayabang mo sakin bata? Tssk... Puro salita ka lang pala..." tinalikuran niya si Hanamichi.
"Grrrrrr... Tumahimik ka dyan lalakeng mukhang Balete! Porket nakaisang dunk ka lang sakin akala mo kung sino ka!" sigaw ni Hanamichi sa kanya.
Pero ngumisi lang si Gyoku.
"Lalake na mukhang Balete? Nakakatawa ka naman..." Gyoku
"Mas nakakatawa ang hitsura mong Balete!" Hanamichi
Naningkit ang mga mata ni Gyoku sa asar niya.
"Hindi ako Balete!"
"Balete!"
"Pulang Tikbalang!"
"Bigotilyong-Balete!"
"Tikbalang!"
"Mamang-Bigotilyo!"
"Arrrghhhhhhhh..." talim nilang tiningnan ang isa't-isa.
(Pumito!...)
"Huh?" Hanamichi/Gyoku
"Ano ba kayo? Hindi ba kayo naturuan nung nasa High School pa kayo na bawal ang makikipag-usap habang naglalaro?" suway sa kanila ng Referee.
"Pasensya na Referee." dispensa ni Gyoku.
"Baleteng-bigotilyo..." bulong ni Hanamichi.
"Grrrrrrr..." Gyoku
Sa Coaching Box ng parehong kuponan, napangiwi na lamang si Fujima at si Coach Ogata.
"Hayyyy... Naku." napahilamos na lang si Coach Ogata.
"Hay nako...." napahawak sa sentido si Fujima.
[PS: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at walang kinalaman sa tunay na kwento ng Slam dunk.]
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...