CHAPTER 66: Tokyo Vs. Toyotsu

778 22 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 66: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo errors ahead!)

THIRD PERSON'S POV

12:30 ng hating-gabi nang pinauwi na ni Hanamichi si Kairo, sinabihan niya ito na pwede itong magpalipas ng gabi sa dorm nila pero tumanggi lang ang binata dahil may kamag-anak ito Tokyo na pwede niyang matulugan.

Si Hanamichi at ang apat na ungas ay kasalukuyang kumakain sa isang Ramen Shop na bukas parin hanggang madaling araw.

"Akalain niyo mga Tol, may Ramen shop na bukas parin kahit ganitong mga oras." sabi ni Ohkusu saka sumubo ng noodles.

"Oo nga, ang swerte. Kung nagkataon na walang bukas na kainan siguradong pasmado tayong lahat at hindi makakapaglaro ng maayos si Hanamichi bukas." sang-ayon ni Takamiya.

"Tama ka, Takamiya. Kaya kahit papaano nagkaroon din ng laman yung tiyan natin, maghapong training nga naman." sabi rin ni Mito saka sumigop ng sabaw.

"Pero kawawa pa rin yung binata kanina, tinorture ni Hanamichi." pag-iiba ni Noma.

Pero di sila pinansin ni Hanamichi sa halip mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kinakain niya.

"Oo nga... Hoy Hanamichi! Di kaya sobra yung ginawa mo dun sa pinsan ni Rukawa?" tanong ni Mito sa kanya.

Tumigil sandali si Hanamichi sa pagkain.

"Ano bang sinasabi mo? Kung tutuusin nga level 0 pa yung tinuro ko sa kanya." sagot niya.

"Level 0 daw, ee halos magkainjury nga yun dahil sayo." pambabara ni Ohkusu.

"Kung magkainjury man siya ang ibig sabihin ay wala siyang karapatan na maging mahusay na Reboundant tulad ko! Kung sa bagay, mahirap talagang tapatan ang malakas na player katulad ng Henyong ito. Kahit pa turuan ko siya hindi siya gagaling gaya ko. Dun na lang siya magpaturo sa pinsan nyang mayabang!" mayabang na sabi ni Hanamichi habang nakaturo sa sarili.

"Ang yabang talaga." Noma

"Walang makakatapat sa kayabangan siguro?" Ohkusu

"Nyahahahaha!" tawa ni Hanamichi saka inubos na ang pagkain nito.

Pagkatapos nilang kumain ay binayaran na nila yun at umalis na. Pagkarating ni Hanamichi sa dorm ay agad din itong nakatulog.

Samantala, sa bahay ng Tiya ni Kairo. Sa loob ng kwarto ay nakaupo siya sa higaan niya at hinahaplos ang paa niya, tiningnan niya ang maliit na pasa dun. Naalala niya yung ginawa nilang practice ni Hanamichi.

"Ibang klaseng reboundant, ngayon lang ako nakakita ng tulad niya..." mahinang sabi ni Kairo habang hinihilot ang paa.
"Mukha siyang gunggong pero... Halimaw siya sa ilalim ng ring. Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang kung humanga si Coach Miyagi sa kanya at si... Kuya Kaede." dagdag niya.

* * *

* * * K I N A B U K A S A N * * *

Alas syete ng umaga nang magtipon ang lahat ng Basketball Team ng Tokyo sa labas ng gymnasium. Nakisali sa pagtitipon ang mga kaibigan ni Haruko pati na rin ang apat na Ungas.

"Okay Team! Tayo na at bumyahe papuntang Distrito ng Aichi! Kumpleto na ba ang---" napatigil si Mari nang napagtanto niyang may kulang sa players nila.
"Nasaan si Sendoh?" iritang tanong niya.

Parehong napabuga ng hangin si Maki at Fujima.

"Late na naman siya prehh." Kiyota

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon