CHAPTER 109: Tokyo Vs. Akita

643 50 9
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 109: Tokyo Vs. Tokyo

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Isang malakas na dunk ni Hanamichi bilang pambungad sa Akita Team. Hindi sila makapaniwala. Iniisip nila na habang tumatagal na nasa court si Hanamichi ay napansin nilang mas bumibilis ang kilos nito. Nahihirapan na silang hagilapin ito kahit ang mga best players ng Akita Team.

"Ang galing ng dunk na yun. Pinaubaya ba yun ni Sendoh o si Sakuragi mismo ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Coach Taoka habang iniisip ang pangyayari.

"Hindi na mahalaga yan, ang importante ay mayroon parin silang teamwork." Sagot ni Coach Takato.

"Hohoho..." Tumawa na lang si Coach Anzai.

Ang bolang dinakdak sa ring ay tumalbog patungo sa gawi ni Mikio.

"Pasensya na kung di ko siya napigilan, Captain." Sabi ni Mikio.

"Okay lang yan, maaga pa. Hindi naman masyadong malayo ang puntos nila sa atin. Kaya pang habulin yan." Sabi ni Fukatsu sa kanila. "Tayo na!"

Kanya-kanyang nagsipuntahan sa kanilang perspective zones ang line-up ng Akita Team para sa gagawing opensa. Ang bolang hawak ni Mikio ay ipinasa niya kay Kishimoto.

Pagkatanggap ni Kishimoto ay dinribol niya ito patungo sa left area ng 3 point line. Mabilis ang kanyang pagdribol kung kaya't naging libre siya pagkarating sa area.

Nakahabol naman sa kanyang likuran si Nishizaki para depensahan siya ngunit hindi na ito naabutan dahil nagshoot agad ito.

*PAKK!*

"Ano!" Nanlaki ang mga mata ni Kishimoto nang makita niyang natamaan bigla ni Hanamichi ang kanyang tira.

"A-ang bilis... BILIS! REBOUND! HINDI SIYA MAKAKAABOT DYAN!" Sigaw niya.

Tumaas naman ang isang kilay ni Hanamichi habang nasa ere. Pagkababa niya ay saktong tumakbo agad siya papuntang ilalim ng ring.

Ang mga taong nanonood ay napabilib sa kanyang bilis. Nag-aalala sila ay baka dumating ang punto na baka madapa ito sa court dahil sa bilis ng galaw nito. Nahihirapan silang hagilapin ito.

"Grabe talaga 'tong si Sakuragi. Ang bilis niya!

Hindi kaya madulas siya niyan?

Ang bilis!"

Si Masashi at Mikio ay dalawang pumunta sa base area ng ring para abangan ang rebound. Niresbakan naman yun ni Sendoh habang si Maki ay nasa harapan nila habang binababagan ni Fukatsu.

Kailanman ay hindi kumpyansa si Fukatsu sa kanyang sarili habang si Maki ang binabantayan dahil sa oras na nagpabaya siya ay hindi na niya mapipigilan si Maki.

Si Maki, Sendoh at Sakuragi.

Ang tatlong player na yan ang tinuturing na banta sa kuponan ng Akita.

Subalit may nakaligtaan pa sila na isang player na kasing husay ni Maki at Sendoh sa larangan ng posisyong point guard. Yun ay wala walang iba,

Kundi si Kenji Fujima.

Si Fujima na kanina pang hindi ipinasok. Dahil may pinaghahandaan silang plano ni Coach Zakusa kung sakaling may mangyari kay Maki o Sendoh. Siya ang magiging back-up para mabalanse ang performance ng Team. Habang si Fujima ay may sariling plano din.

"Ayan na!" Sigaw ni Masashi.

Parehong nakahangad ang tatlo. Ang bola ay tumalbog sa gilid ng ring.

Sabay tumalon ang dalawa para abutin ang rebound.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon