CHAPTER 74: Tokyo Vs. Toyotsu

913 36 9
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 74: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Hindi parin makapaniwala ang lahat sa napanood nila kahit ang mga viewers na mula sa iba't-ibang Prefectures.

Si Coach Taoka ay napanganga sa nakita niya. Hindi niya lubos maisip na kayang gawin ni Sakuragi na bantayan ang dalawang players ng sabay at parehong Sentro pa.

"I-ibang klase..." manghang panimula niya. "Habang tumatagal ay pagaling ka ng pagaling, Sakuragi." dagdag niya.

Nakatuon parin ang tingin niya sa Tv at dun nakita nya si Hanamichi at Sendoh na nag-aapiran at parehong masaya.

Samantala sa Shohoku High School naman ay napuno ng ingay ang loob ng locker room dahil sa mga hiyawan nila.

"AAAAAAAAAAHHH YAN SI SAKURAGI-SENPAI!"

"DEVIL ACEEEEEE!"

"DEVIL ACE FOR THE WIN!"

at iba pang hiyawan nila.

Parehong napatakip ng tenga si Ayako, Miyagi, Mitsui at Akagi dahil sa lakas ng hiyawan ng mga players.

"Ang lakas makatili ng mga 'to!" maktol ni Mitsui.

"Wala pa bang ilalakas yan?" sarkastikong tanong ni Akagi.

"Hoy mga bata! Hinaan niyo naman ang mga boses niyo!" suway sa kanila ni Ayako.

"Mrs. Miyagi naman... Proud underclassmen lang kami ni Sakuragi-senpai kaya ganito kami ka saya." sagot ni Miko

"Oo nga, napaka unbelievable niya talaga kahit kailan!" Yashimaru.

Tiningnan naman ni Miyagi si Kairo na nakatulala sa harapan ng Tv.

"Oh, anong masasabi mo kay Hanamichi, Kairo?" nakaismid nyang tanong sa binata.

Tumingin si Kairo sa kanya.

"A-ang galing niya po, Coach." sagot niya at binalingan ulit ng tingin ang Tv.
"Kapag nag-ensayo ulit kaming dalawa ay hindi na ako magugulat kung magkapasa ulit ako. Hindi ko akalain na kayang harapin ni Sir Sakuragi ang dalawang Sentro ng Toyotsu lalo na yung Morishige na mas malaki at matangakad pa sa kanya." pagkasagot nun ni Kairo. Si Akagi at Mitsui ay parehong napataas ng isang kilay.

"Ano daw? Sir Sakuragi?" parang nabingi si Mitsui.

"Kailan pa naging SIR ang gunggong na yun?" takang tanong ni Akagi.

Tinignan naman sila ni Miyagi.

"Ano ba kayo. Binola lang ni Kairo ng kunti si Hanamichi para pumayag itong magturo sa kanya. Mainit kase ang dugo nun lalo na't alam nyang pinsan siya ni Rukawa." paliwanag ni Miyagi sa kanila.

"Sa oras na ito Coach ay hindi ko na siya binobola. Totoo... Napakagaling nya." puri ulit ni Kairo.

Napangiwi si Akagi at nagsalita sa kanyang isip. "Kapag narinig 'to ng gunggong na yun, siguradong la-laki na naman ang ulo nun."

Tiningnan ulit sila ni Akagi.

"Habang tumatagal ay mas lalong gumagaling si Sakuragi. At mas gagaling pa siya ngayo't kasama niya sina Sendoh, Maki at Fujima sa Team. Sana talaga... Sila ang manalo." sabi ni Akagi sa kanila.

Ngumisi si Miyagi sa sinabi nya.

"Mananalo sila. Sigurado yan, dahil may tinatago pang galing si Hanamichi na hindi pa nailalabas."

Ngumiti si Mitsui. "Sang-ayon ako dyan, Miyagi." sabi nito tila alam nya rin.

Balik sa Aichi Prefectural Gymnasuim...

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon