CHAPTER 76: Tokyo vs. Toyotsu

698 34 14
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 76: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang lahat ng manonood sa gymnasium, ang Apat na Ungas, pati na sina Haruko at mga nakabangkong player dito ay napanganga dahil sa 3-point shot ng Henyo.

Napatitig si Hanamichi sa mga kamay niya.

Saka sumigaw ng malakas sabay taas ng kanang kamay.

"ARRRRRGGHHHHHH!!!..."

Nagulat ang mga manonood sa sigaw niya pero napalitan ito ng tuwa kaya naghiyawan ang mga ito.

"SAKURAGIIIIIIIIIII!!!"

"NUMBER 10!!!!"

"AY DOOOOOOOOOL!!"

"RED-HORSEEEEEEEEEE!" sigaw ng Apat na Ungas.

Tiningnan naman sila ni Hanamichi ng masama at nakita niyang nakangiti ang mga ito sa kanya na tila tuwang-tuwa ay buong pusong nakasuporta sa kanya.

Nginitian niya na lang ito at nag Victory Sign dun sa apat.

Ngumiti rin si Mito at napayukom ng kamao.

"Masaya kami para sayo, Hanamichi."

Kaya ang score ngayon ng bawat kuponan ay,

Scoring Board [Time: 18:09 sec]
TOYOTSU | 40 | 2nd | 43 | TOKYO

Tumigil at tumingin sa kanya ang starting players ng Toyotsu.

Si Coach Terushima naman na kanina pang inis kay Hanamichi ay mas lalong nainis dahil sa pinamalas nitong 3-point shot.

Binalingan naman ng tingin ni Hanamichi si Tsuchiya na nasa harapan niya saka nagsalita.

"Ano ka ngayon 'Dating Hari ng Interhigh?, sino sa amin ngayon ni Lolo ang babantayan mo ngayon?" tanong niya dito.

Tumuwid ng tayo si Tsuchiya saka sumagot.

"Kung sinong malakas na player. Siya ang babantayan ko."

"Malakas na player lang? Ayaw mo ba sa player na gusto maging MVP?" tanong ulit ni Hanamichi.

Kumunot ang noo ni Tsuchiya sa sinabi niya.

"MVP? Sino? Ikaw?" tanong nito na parang tatawa.

"Pag sinabi kong... Oo?"

"Malabong mangyari yan." nakaismid na sabi ni Tsuchiya saka tinalikuran siya.

Bago pa naman ito naglakad palayo ay may pahabol si Hanamichi.

"Ako ang magiging MVP, tandaan mo yan Niyog."

Nang marinig yun ni Tsuchiya ay nag-iba ang hangin na nakapalibot sa kanya. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad.

"OPENSA!

OPENSA!

OPENSA!" sigaw ng panig ng Toyotsu.

"DEPENSA!

DEPENSA!

DEPENSA!" sigaw rin ng panig ng Tokyo.

Ang bola ay nakuha ni Godai. Pinatalbog niya ito at pinasa sa naglalakad na si Mikoshiba.

Sina Tsuchiya at ang ibang kasamahan niya sa court ay bumuo ng panibagong galaw para sa opensang gagawin.

"Kailangang maturuan ng leksyon ang isa dyan." sabi nito.

"Ako nang bahala sa kanya." presenta ni Morishige.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon