SLAM DUNK: COLLEGE MATHCES
CHAPTER 49:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Pagkatapos ng mahabang usapan nagpaalam na si Mitsui sa kanila.
"Hindi na ako magtatagal dito..." panimula ni Mistui.
"Bakit, Mitchi? Mamamatay ka na?" nakangising tanong ni Hanamichi.
*Boink!*
"Gunggong!..." binatukan na naman siya ni Mitsui. "Babalik na ako sa Kanagawa sira ulo ka talaga, Sakuragi."
"Mag-iingat ka sa byahe mo, Mitsui..." napalingon si Mitsui sa likuran niya.
At nakita niya si Fujima nakangiti sa kanya, kasama na nito si Mari, Jin at Sendoh.
"Paalam, Mitsui!" nakangiting sabi ni Sendoh sa kanya habang kumaway-kaway pa.
Ngumiti rin si Mitsui sa kanila at nilapitan ang mga ito.
"Fujima, Sendoh pati na rin si Maki... Kayo na ang bahala sa kanya." mahinang sabi ni Mitsui sa kanila.
Tumango si Sendoh sa sinabi niya... "Wag kang mag-alala..."
"kaya namin siyang ihandle, Mitsui. Kaya wala ka nang dapat ipag-alala." wika ni Fujima
"Sigurado ba kayo? Hindi ba kayo inaaway ng gunggong na'to?"
"Hindi naman..." Sendoh
"Palagi!" singit ni Jin sa usapan.
Napatingin si Mitsui sa kanya.
"Palaging nang-aaway si Sakuragi. Palagi din siyang nagpapasaway at naghahanap ng bangayan." dagdag pa ni Jin.
"Hay... Kahit kailan talaga..." napabulong na lang si Sendoh.
"tssk... Gunggong talaga. Pagpasensiyahan mo na, Jin. Kung sabagay kayo ang makakasama niya palagi kaya kayo na ang bahala ko paano niyo siya didisiplinahin." nakaismid ni Mitsui.
"Hanggang sa muli mga kaibigan, aalis na ako." sabi ni Mitsui at tinalikuran na niya ang mga ito."Mag-iingat ka, Mitsui."
Hinatid ni Sakuragi si Mitsui palabas ng gymnasium, bago sila naglakad papunta sa main gate nito ay biglang dumating si Haruko habang sumisigaw.
"Sandali lang!" sigaw ni Haruko habang tumatakbo papalapit sa kanila.
"H-Haruko..." Hanamichi
"Haruko, ikaw pala." Mitsui
"*hinihingal* Pasensya na kung ngayon lang ako, madami kasi akong ginawa sa classroom kaya ngayon lang ako. Uuwi ka na ba, Mitsui?" tanong ni Haruko dito.
Tumango si Mitsui sa kanya... "Oo, pumunta lang ako dito para kamustahin si Sakuragi. Oo nga pala, pinapasabi sakin ni Akagi na 'wag mo daw pababayaan ang sarili mo, mag-aral ka daw ng mabuti at kumain ka palagi ng tatlong-beses sa isang araw.' yun ang habilin niya bago ako pumunta dito." sabi ni Mitsui sa kanya.
Napangiti na lang si Haruko. "Si kuya Takenori talaga... Pakisabi na lang kay Kuya na sineseryoso at pinagbubuti ko ang pag-aaral ko. Paki kamusta na din sya, Mitsui ah?" ngumiti si Haruko sa kanya.
"Makakaabot..." sagot ni Mitsui at nagpaalam na siya.
"Ingat sa byahe!" Nakangiting sabi ni Haruko at kumaway-kaway pa.
Pagkalabas ni Mitsui sa gate ay pumasok siya sa itim na kotse at umandar na ito paalis.
Ilang segundong natahimik si Hanamichi at Haruko sa kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...