CHAPTER 57: Tokyo Vs. Kanagawa

519 15 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 57: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nakatingin parin sina Yuki, Zakusa at Olivia kay Jin na hinihilot ang mga braso nito.

"Ipinasok na ni Fujima si Jin sa court." sabi ni Zakusa.

"Kahit medyo naiinis ako sa lalakeng yan, pero malaki naman ang expectations ko sa kanya." sabi rin ni Yuki.

"May I know what's with him? You both look so empressed even he's not playing yet." curious na tanong ni Olivia sa kanila.

"Alam mo kase, Levesque... Si Jin ang pinakamagaling na Shooting-guard na naging player sa Tokyo. I admit na naiinsecure ako sa kanya kahit ako ang dating Coach-Player ng Team. But, hindi mo maiwasang mamangha sa kanya kapag naglaro na siya." sagot ni Yuki.

"Totoo yan, specially kapag sineryoso na niya ang laro." Zakusa

"Ahh... Kaya pala ganun na lang kung magsihapan sina Hanagata sa loob ng court." Sabi ni Olivia habang tumango-tango.

Sa Court, naglakad si Jin papasok at nilapitan nito si Watanabe.

"Sempai..." Watanabe

"Magpahinga ka muna kahit sandali, Watanabe. Kakailanganin ka pa sa second-half." sabi ni Jin sa kanya saka tinapik ang balikat nito.

Tumango naman si Watanabe sa kanya saka naglakad ito palabas ng court.

"Nice Game, Yuu!" bati ni Daisho sa kanya.

"Salamat." Watanabe

"Temporary ka munang bangko, Watanabe. Masyado kasing magaling na shooter yong si Miyamasu." sabi ni Maki sa kanya.

"Pasensya na Captain. Hindi kase halata sa hitsura niya eh." Watanabe

"Wag kang mag-alala marami kayo. Kahit si Sakuragi nasisira ang pokus sa laro dahil sa kanya, kaya kakailanganin nila si Jin sa loob." Maki

"Ayos lang sakin, Captain. Sa totoo lang excited rin ako na makita si Jin na maglaro para sa Team natin." nakangiting sagot ni Watanabe.

Pagkaupo ni Watanabe sa bangko sakto namang pumito ang Referee.

"KAYA NIYO YAN TEAM! LIMANG MINUTO NA LANG! MAGFOCUS LANG KAYO AT MAGIGING MAAYOS ANG LAHAT!" sigaw ni Mari sa kanila.

"HANAMICHIIII LUMABAS KA NA DYAN NAWAWALAN KA NAMAN NG KWENTA!" nakangising sigaw ni Takamiya sa kanya.

"ARAAAAAATTTT!!!" Mito

"TUMAHIMIK KAYO DYAN!" sigaw pabalik ni Hanamichi sa kanila.

"BAKET?! TOTOO NAMAN AH!" sigaw rin ni Ohkusu.

"BOKYA KA NA NAMAN!" Noma

"BWAHAHAHAHAHA!" tawa nilang Apat.

Napayukom ng kamao si Hanamichi dahil sa gusto niyang pag-uuntugin ang mga ulo ng apat na ungas.

"Baket ko pa kasi naging kaibigan ang mga ungas na'to?!" Inis niyang sabi sa sarili.

"Fukuda, ikaw ang magbantay kay Yasuda, Hanagata kay Takasago parin. Kiyota kay Muto parin at ikaw Sakuragi bantayan mo si Koshino..." sabi ni Jin sa kanila.

Tila nabuhayan naman si Hanamichi sa sinabi ni Jin sa kanya.

"Aba mabuti naman kung ganun Jin!" Tuwang sabi ni Hanamichi.

"... At ako nang bahala kay Miyamasu." Jin

"Sandali lang Jin, wala tayong point guard." wika ni Hanagata sa kanya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon