CHAPTER 78: Tokyo Vs. Toyotsu

716 31 12
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 78: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"DEVIL ACE ng Shohoku si Sakuragi?" hindi makapaniwalang tanong ni Mari.

Ngumiti lang si Haruko bilang sagot.

"Kapag malakas ang kalaban, ay lalakas din siya. Kaya magtiwala tayo sa kanya." Haruko

Samantala sa court, sina Maki at ang iba pang kasamahan nito ay napatingin kay Muzaka.

"Sa wakas at pinasok ka na ni Coach, Muzaka." nakangising sabi ni Rango sa kanya at nag-apiran sila.

"Kanina pa nga ako nangangawit sa bangko." sagot nito.

Tiningnan niya si Hanamichi na nakataas ang kilay nito sa kanya.

"Ang galing mo, Red Guy. Napatumba mo yung Monster Tower namin." nakaismid nitong sabi kay Hanamichi.

Si KOJIRO MUZAKA, 189 centimeters, 85 kilos. Tulad ni Sendoh siya ay isa ring combo player na 'POINT-FORWARD' at dating Team Captain mula Hokkaido Prefecture. Numero unong Point-guard at Small-forward sa kanilang distrito kaya naimbitahan ito na maging trainee sa 'Ajinomoto Training Center' kung saan karamihan sa mga trainee dito ay napipili upang maging kinatawan ng National Team at maglaro sa International dala ang pangalang JAPAN.

"Tigil-tigilan mo'ko." masungit na sagot ni Hanamichi sa kay Muzaka.

Pero ngumiti lang ito sa kanya at napatingin sa scoring board.

"43-50? Uuyyy Toyotsu, 7 points ang lamang nila satin. 15 minutes at 49 seconds na lang, sabihin niyo. Tulog ba kayo?" pukaw sa kanila ni Muzaka.

Umiling naman si Tsuchiya sa kanya.

"Pasensya na, Muzaka." despensa ni Tsuchiya.

"Di bale na lang, galingan na lang natin. Babawi tayo." ngumiti ulit 'to sa kanila.

Tumaas naman ang isang kilay ni Hanamichi sa ugali niya, magkasing pareho sila ni Sendoh.

Humarap si Muzaka sa kanila at ngumisi sa limang starting players ng Tokyo.

"Tambangan na natin sila."

Samantala si Sendoh ay napayukom ng kamao sa kinatatayuan niya. Tumingin si Maki sa kanya.

"Sendoh, bakit?" tanong nito.

"Kilala ko siya." sagot nito.
"Siya ang dating Super Ace Player ng College Matches, 4th year na yan." dagdag pa ni Sendoh.

"Kung ganun, ikaw magbantay sa kanya Sendoh." Maki

"O---" hindi natuloy ang sasabihin ni Sendoh nang makita niyang tinuro ni Muzaka si Hanamichi.

"Sakuragi No. 10! Akin ka!" nakaismid nitong sabi.

Natigilan si Hanamichi sa kanya pero napalitan agad ito ng ngisi.

"Kung ganun... Hindi kita uurungan!" sagot ni Hanamichi.

"Lagot... Masama ang kutob ko dito." bulong ni Hanagata.

"Anong ibig mong sabihin?" Kiyota

"Ang Muzaka na yan ay halos kasing galing lang ni Sendoh. Iwan ko kung kaya siya ni Sakuragi. Dapat si Sendoh ang magbabantay sa kanya." paliwanag niya dito.

"K-Katapusan na ba natin?" Kiyota

"Hindi pa, may reserba pa tayo. Iwan ko lang kung makakaya nyang umupo na lang." sagot ni Hanagata saka tiningnan si Fujima na iba seryoso nang nakatingin sa court.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon