SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 102: Tokyo Vs. Akita
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa walong minuto at labin-limang segundong natitira sa first-half ay lamang ng pitong puntos ang kuponan ng Tokyo laban sa puntos ng Akita Team.
Kahit puruhan ang ibang players ng Tokyo Team ay nagawa pa rin nilang pumuntos at lamangan ang kalaban kahit gumagamit ito ng dahas at pandaraya.
Si Kishimoto, Itakura at Iwata na parehong nagmula sa kuponan ng Toyotama nung high school ay gusto na nilang ipafoul-out dahil sa hindi makatarungang laro na hindi naaayon sa rules at regulations ng basketball.
Tanging ang kuponan ng Tokto lang ang nakakaalam ng baho nila at naintindihan na nila kung bakit tinuturing silang mga grim reapers ng basketball court.
Ang bola ay hawak ni Masashi saka pinasa kay Fukatsu upang pamunuan ang opensa.
Buo ang loob ni Fukatsu na hindi niya kailangan ng mga kabulastugang kilos para lang talunin ang kalaban. Siya yung tipong tao na may espesyal na kakayahan na natatangi sa isang perpektong Point-guard. Natural na kakayahan at galing sa laro mula sa sikap sa pagtraining ay siyang nagbunga sa natatanging taglay at gumabay sa dating ka teammate niya na si Eiji Sawakita na kasalukuyang nasa kuponan ng America.
Dinribol ni Fukatsu ang bola patungo sa kanilang half-court. Ang Tokyo Team naman ay hinanda ang kanilang depensa.
Pagkarating niya sa Point-guard area ay sakto siyang sinalubong ni Maki kaya agad nyang pinasa ang bola sa kanyang likuran.
Natanggap yun ni Masashi na nasa 3-point area at agad itong nag pose.
Nagsitakbuhan papuntang ilalim ng ring sina Hanamichi at Iwata, sa harapan naman nila ay ang nagtutulakang sina Kiyota at Kishimoto.
Ang ibang manonood ay nagtaka kung bakit nag shift ng offensive player itong si Hanamichi at Sendoh.
Nagbulungan naman ang mga High School Team mula sa ibang prefecture.
"Aba, diba yang Sendoh dapat ang magbantay kay Iwata? Bakit naging si Sakuragi?"
"Ulol, kanina ka pa dito hindi mo man lang napansin na kapag sa ilalim ng ring para abangan ang rebound, ay hindi absent yang si Sakuragi?"
"Ahh so siya lang yung inaasahan ng teammates niya para kunin ang rebound?"
"Oo, atsaka sa lagay na yan. Nakabangko pa ang tatlong main center ng Tokyo Team. Kumbaga pinarole play lang nila yang si Sakuragi para ipangtapat kay Masashi Kawata. Ngayon'g dalawa na ang centro ng Akita. Ewan ko lang kung kaya pa ni Sakuragi."
"Kaya yan. Yun pa. Sana maging magaling din akong reboundant tulad niya kahit hindi ako centro."
"Kung may lahi kang tikbalang o di kaya lahing-gubat ay makakaya mong gawin yun."
Pagkapose ni Masashi ay nagshoot ito mula sa 3-point area.
Napatingin ang lahat ng player sa bola.
Tumalon naman si Sendoh para tamaan yun.
"Huli ka na. Wala yan." nakaismid na sabi ni Masashi.
Ang bolang shinot ni Masashi ay sumablay.
"Ano!" sabi niya.
Hindi na siya pinansin ni Sendoh sa halip ay sinundan ang bola.
Tumama ang bola sa unahan ng ring at tumalbog ito ng mataas. Nagpunta agad sa unahan sina Kishimoto at Iwata para kunin ang rebound saka sila tumalon.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...