CHAPTER 22: Tokyo Vs. Osaka

780 26 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 22: TOKYO VS. OSAKA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ngayon kampante na ang loob ni Fujima dahil buo na ang first five line-up nila. Ang kasama ngayon ni Fujima sa nakabangko ay sina, Hanagata, Maki, Jin, Sendoh, Fukuda at Ikegami.

Inis na napatingin ang Coach ng Osaka na si Coach Romura Ogata kay Fujima na mahinahong nakatingin sa court.

"Ano kayang iniisip ng batang Coach na yun? Talagang ibinangko niya sina Sendoh at Maki... Minamaliit niya ba ang Team namin?" naiinis na tanong Ogata.

(Pumito...)

Lumapit si Morisuke at Daisho sa Referee para maghanda sa Jumpball, bago sinumulan ng Referee ang laro may ibinilin muna siya sa dalawang Center.

"Masyado kayong seryoso... Maglaro kayo ng patas." Referee.

Tumango lang ang dalawa sa sinabi ng Referee hanggang sa...

Pumito ulit ng malakas ng Referee saka hinagis sa pinakamataas ang bola...

Unang tumalon si Morisuke para abutin ang bola pero...

Mabilis na nadakma yun ni Daisho saka pinalpal patalbog kay Watanabe.

*TUMALBOG!*

Nagsimula nang umandar ang oras...

"Ayos!" nakangiting sabi ni Sendoh sabay palakpak.

"Magaling, Daisho!" Maki

Maraming napatayong manonood dahil sa ginawa ni Daisho...

"Whaaahh ang bilis nung number 12!"

Mabilis na nagdribol si Watanabe papunta sa area nila pero biglang sumulpot si Kentaru sa harapan niya. Hindi siya pinansin ni Watanabe sa halip pinalusot ni Watanabe ang bola sa ilalim ni Kentaru at sa likuran nito nandun si Kiyota.

"ANO!"

"PINALUSOT NIYA ANG BOLA MULA SA ILALIM?"

"ANG GALING NG PASA NUNG NO. 13!"

"Nice Pass!" puri ni Kiyota at nagpatuloy sa pagdribol.

Habang nagdidribol si Kiyota papunta sa shooting guard area ay mabilis na nakasunod si Hayato sa kanya.

"Hindi ka makakalusot sakin, mayabang!" Hayato.

"Edi subukan mo, preh!" tumalon si Kiyota para sa 3-point Shot.

"mag ti-3-point shot si Kiyota!" napatayo si Maki.

Pero tumalon si Hayato para iblock si Kiyota...

"Wala yan!" nakangising sabi ni Hayato habang nasa ere.

Napangisi si Kiyota... "Uto-uto..." agad niyang ipinasa ang bola kay Sakuragi na nasa ilalim ng ring.

Nakatalong sinalo ni Hanamichi ang bola at direktang ipinasok ang bola patalikod.

*DUNK!*

"Ayos!" Kiyota

"YOHOOOOOO!!" Sigaw nina Mito
"HANAMICHIIIII!!!"

"ANG GALING MO, SAKURAGI!" masayang sigaw ni Haruko.

"Nice pass, Kiyota!" sigaw ni Maki

"magaling!" Jin

"Ang galing ng back dunk mo, Sakuragi!" sigaw rin ni Hanagata.

"AYOS UNANG PUNTOS!" Nakangising sabi ni Hanamichi at napatingin sa scoreboard nila.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon