SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 116: Tokyo Vs. Akita [FINAL CHAPTER]
(PS: TYPO ERRORS AHEAD!)
THIRD PERSON'S POV
Isang minuto at tatlumpong segundo na nga lang ang natitira. Ang kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay 81 points para sa Akita Team at 78 naman para sa Tokyo Team. Halos matatapos na ang oras subalit dikit parin ang labanan.
Pinagpatuloy ni Maki ang opensa hanggang sa nakarating siya sa half-court ng Tokyo Team. Sina Sendoh, Fujima at Kiyota naman ay nagsipuntahan sa kanilang perspective zones at si Hanamichi ay hinarap si Mikio.
Ang bolang hawak ni Maki ay pinasa niya kay Fujima na nasa 3-point area. Pagkasalo nito ay agad itong binabagan ni Masahiro at Kishimoto para pigilan ang sharp shooting skills nito.
Biglang tumayo si Mari. "HOY! Ano ba yan! Dalawang higante laban sa pandak!" Sigaw niya sa inis nang makita niya ang kalagayan ni Fujima.
"P-pandak?" Fujima
Nakakita ng anggulo si Masahiro na maagaw niya ang bola. Inilapit nya ang kanyang kamay dito para palpalin pero...
*PASS!*
"Pinasa niya!" Nabigla si Masahiro.
Ang bola ay nasalo ni Sendoh. Dinribol niya ito palapit sa ilalim ng ring para mag lay-up shot nang habulin siya ni Fukatsu at harangan. Pero pinaikot niya ang bola sa kanyang likuran at hinarap ulit ang dinadaan. Binabagan naman siya ni Kishimoto para rumesbak sa depensa pero pinalusot lang ni Sendoh ang bola sa pagitan ng kanyang mga paa.
(Bounce...)
"Ano!" Kishimoto
Ang bola ay saktong nakuha ni Kiyota na nasa power forward area at walang alinlangan na nagjumpshot.
(Shooting...)
*Pakk!*
Pero biglang sumulpot si Mikio sa kanyang harapan at natamaan ang bola. Papalya ang tira at hindi ito papasok sa basket.
Si Hanamichi naman ay si Masashi ang nagbantay.
"Kaasar talaga ang magkapatid na'to! Pagtulungan ba naman ako. Talaga naman!" Sabi niya sa kanyang isipan.
Biglang nag shift ng pwesto ang magkapatid upang pamunuan ni Mikio ang ilalim ng ring. Nakikipag pwersahan si Hanamichi sa kanya habang si Masashi ay namamangha sa kanyang tinataglay na lakas.
Nagawa niyang paatrasin si Masashi kahit buong set na siya naglaro at kagagaling pa sa injuring natamo.
Humarap si Hanamichi sa kaliwa para doon tumakbo nang umusog din si Masashi dun pero biglang lumiko si Hanamichi sa kanan at kumaripas ng takbo kaya nakalusot siya sa depensa.
Nakahangad si Hanamichi sa bola habang tumatakbo. Nakita niya si Mikio na nag-aabang na sa ilalim at hindi napansing palapit na siya.
Pagkalapit ng bola ay tumama lang ito sa gilig ng ring.
"Kaasar!" Sigaw ni Kiyota.
Nakatingin ang lahat ng players sa bola. Tumalon si Mikio para kunin ang rebound.
Pero may isang kamay agad ang dumakma nun kahit hindi pa nakatalon si Mikio at malakas itong dinakdak sa ring.
*DUNKKKKKKKKKK!*
Nagulat ang lahat sa nangyari.
At nakita nila si Hanamichi Sakuragi na nagniningning sa ere.
"S-Sakuragi..." Namilog ang mga mata ni Haruko.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...