SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 100: Tokyo Vs. Akita
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
May 10 minutes at 45 seconds pang natitira para sa first-half. At ang kasalukuyang score ng bawat kuponan ay 21 para sa Akita Team at 23 naman para sa Tokyo Team.
Masyadong dikit ang laban tulad nung nakaraang match ng Tokyo Team. Ang kuponan ng Toyotsu.
Ang lahat ng taong nanonood sa labang ito ay hindi malaman at hindi makapag pangalan kung alin'g kuponan ang magtatagumpay sa laban na ito.
"Aba, aba, aba... Nagtitres na pala ang gunggong." ngising sabi ni Mitsui.
"Oo nga, hindi na masama. Tunay nga siyang Henyo!" support ni Miyagi.
"SIGE TOKYO TEAM! DEPENSA! DEPENSA!" sigaw ng cheering squad nila.
Hawak ni Itakura ang bola. Si Kishimoto naman ay napahawak ulit sa kanyang panga na namamanhid. Medyo masakit ang pakiramdam niya dahil sa pagsiko ni Kiyota.
"Bwisit na Matsing ng Kainan." tanging sambit niya sa sobrang inis.
Nagsimula na si Itakura sa opensa.
Ang Tokyo Team nag 4-1 defense. Ang 1 player na naiba sa apat ay si Hanamichi na nakatayo sa ilalim ng ring. Ang offense set naman ng Akita Team na 2-1-2 set ay binago nila at naging run and gun. Random attack offense kahit man-to-man basta mabuwag lang nila ang malakas na apat na pader ng Tokyo Team na nakatayo sa harapan nila na sina Maki, Sendoh, Jin at Kiyota.
Spread arms and facing the opponents, don't let the offense dodge you ang ginagawang depensa ng apat na nasa harapan.
Monstrous and stand as an iron wall in base line of the ring naman itong si Hanamichi.
Parehong nakabukas ang mga braso at minabuti ang kanilang footwork na naaayon sa matibay na depensa.
Samantala si Masashi ay wala nang choice kundi ang pwersahin ang apat na bantay. Katuwang niya si Kishimoto sa estratehiyang ito. Si Itakura naman ang magiging back-up nila sa pagbuwag in case na napigilan parin silang dalawa.
Mas binilisan ni Masashi ang pagpapatalbog sa bola.
"Fukatsu!" pasa niya dito.
Pagkasalo ni Fukatsu sa bola.
Ay siya namang oras para umatake sa inner zone sina Masashi at Kishimoto.
Si Jin at Kiyota ang magkatabi sa defense zone nila.
Pwersahang pinasok ni Masashi ang inner court habang pinipigilan siya ni Jin.
"Ang lakas ng loob mo para ikaw ang pumigil sakin, patpat!" nakangising sabi ni Masashi sa kanya.
Imbes na sumagot si Jin ay inirapan niya na lang ito.
"Baboy." ganti ni Jin at biglang nag counter move na muntik nang ikinaub-ob ni Masashi.
"Anak ng---" nagulat si Masashi na biglang si Hanamichi ang nakatayo sa harapan niya.
Nagulat at siya'y nagtaka. Nasaan si Jin?
Napatingin siya sa ilalim ng ring at nakita niyang nandoon na agad si Jin.
Hindi makapaniwala si Masashi.
Ang bilis ng galaw nila.
"Ano yung sinabi ni Jin sayo nung huli? Baboy ba yun?" natatawang tanong ni Hanamichi dala ng pang-aasar.
"Tigil-tigilan mo'ko." masungit na sagot ni Masashi.
Bigong nakapasok si Masashi sa court dahil sa biglaang pagbantay ni Hanamichi sa kanya. Nagsususpetya na ang mga company coaches tungkol sa dalawang ito.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
Fiksi PenggemarNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...