CHAPTER 33: Tokyo Vs. Osaka

670 21 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

(Ps: Typo Errors Ahead!)

CHAPTER 33: TOKYO VS. OSAKA

THIRD PERSON'S POV

"Siguraduhin mo lang... Dapat kasing galing mo yung Coach-Player namin." Sendoh

Napatingin ng masama si Gyoku kay Sendoh.

"Ang yabang mo ah..."

"Nagsasabi lang ako."

"Ang yayabang niyong Taga-Tokyo!" inis na wika ni Gyoku at tiningnan ang gawi kung saan nakaupo ang Coach-Player ng Tokyo.

SA COACHING BOX NG TOKYO... Napataas ng isang kilay si Hanamichi nang mapansin niyang nakatingin si Gyoku sa gawi nila. Hindi ito nakatingin sa kanya kaya sinundan niya ang tingin nito at nakita niya na kay Fujima pala ito nakatingin.

"Ehh?" napabalik-balik ng tingin si Hanamichi sa pagitan nina Fujima at Gyoku.

Hindi nakapagtimpi si Hanamichi at...

"HOY BIGOTILYO! ANONG TININGIN-TINGIN MO DITO? BA'T KA NAKATINGIN SA COACH NAMIN! KAY SENDOH KA MAGBANTAY!" Sigaw ni Hanamichi sa kanya habang nakatayo.

Napatingin kay Hanamichi ang kasamahan niya.

Hindi pinansin ni Gyoku si Hanamichi at binalingan na lang ulit ng tingin si Sendoh.

"Ano't---Nasaan na siya?!" agad napatanong si Gyoku at hinanap si Sendoh

"Nice pass, Yuu!" puri ni Sendoh at tumira ng 3-points.

*SHOOT!*

"Ano! Paano siya agad nakarating dyan!" hindi makapaniwalang sabi ni Gyoku habang nakatingin sa gawi ni Sendoh.

"KYAAAAAAAAAHHHH SENDOHH!

ANG GALING MO SENDOH!!!

I LOVE YOU KA TALAGA SENDOH!!

MARRY ME PLEASE SENDOHH!

AMPOGI MOOOOOO!!"

Lumingon si Sendoh sa mga babaeng sumisigaw sa pangalan niya saka kumindat sa gawi nila.

"KYAAAAAAAAAHHHH DATE TAYO MAMAYA!!

I'M GONNA DIE SENDOH!!

AMPOGI MO DARLINGGGGGG!!"

SA COACHING BOX NG OSAKA... Hindi na nakapagtimpi si Coach Ogata sa mga sigaw ng Jologs ni Sendoh. Tumayo ito at humingi ng time-out sa scoring table. Sumenyas naman sa Referee ang isa sa mga Scorer.

(Pumito...)

"CHARGE TIME-OUT! OSAKA EVESSA!" sigaw ng Referee.

Nang masambit yun ng Referee ay nagsilapitan ang mga Player ni Coach Ogata sa kanya.

"Coach!..." tawag nila.

"Players, hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari simula nung pumasok yung No.7 nila sa court. Masyado siyang magaling at hindi sapat ang dalawang player sa kanya. Ngayon ay babaguhin natin ang estratehiya natin. Gyoku mag focus ka lang sa Sendoh na yun at wag na wag mong aalisin ang paningin mo sa kanya. Miyojun at Hayato, kayo ang back-up ni Gyoku sa magcorner niya kay Sendoh, gagawin nating tatlong player ang magbabantay sa kanya dahil isa yung pambihirang manlalaro sa Japan. Si Akira Sendoh na dating Ryonan at dating Ace Player ng Kanagawa, ay ngayon ay isa nang Super Ace Player ng Japan..." Napatigil sandali si Coach Ogata nang mapansin niyang wala sa ekspresiyon ang mga mukha ng player niya.

"Oh? Mga hitsura niyo?" tanong nito sa kanila.

"S-Si Sendoh? Ay isang Super Ace Player ng Japan?" gulat na tanong ni Hayato.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon