CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita

738 44 16
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** Locker Room ***

Nang matapos ang 1st half. Ang lahat ng players ay pumunta sa kani-kanilang locker room area para sa sariling pagtipon. Si Hanamichi ay nakangising umupo sa upuang bakal bago uminom ng malamig na hydration drink. Lumapit si Haruko sa kanya at inabutan ito ng malinis na bimpo.

"Sakuragi." Tawag ni Haruko sa kanya.
"Halos maligo mo na yung pawis mo. Gusto mo bang punasan ko para sayo?"

Biglang naibuga ni Hanamichi ang kanyang iniinom dahil sa sinabi ni Haruko. Namumula ang kanyang mukha nang mapatingin siya dito.

"H-Haruko..." Utal-utal niyang sambit dahil naghahalo sa kanyang emosyon ang kaba at kilig. Hindi siya makaayos.

Ngumiti at mahinang napatawa na lang si Haruko. Natatawa siya sa ekspresiyon ni Hanamichi.

"Matagal na tayong magkakilala, Sakuragi. Hanggang ngayon ba ay nahihiya ka parin sakin?" Nakangiting tanong ni Haruko saka itinaas ang hawak na bimpo.

Akmang pupunasan niya ito nang hawakan ni Hanamichi ang kanyang kamay.

"W-w-wag na, H-Haruko... n-nakakahiya..."

Utal at yumuko na lang si Hanamichi nang sabihin niya yun. Napatingin naman si Haruko sa magkabilang tenga niya na namumula. Tumawa ulit si Haruko at pinunasan niya si Hanamichi.

Sa ulo, sa mukha at leeg.

Ang lahat ng players na kasama nila sa loob ay napatingin sa kalapitan ng dalawa.

"Sana ol." Tanging sabi ni Sendoh.

Naging normal ang lahat nang pumalakpak si Coach Zakusa. Tumingin silang lahat sa kanya.

"Okay! Okay, Team! Makinig kayo!" Tawag ng Coach sa kanila.
"Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang tungkol sa magiging taktika natin sa 2nd half. Panigurado... Na ang kabilang kuponan ngayon ay nagplano na rin ng maigi para talunin tayo sa match na'to at yun ang hindi ko hahayaan." Panimula ni Coach Zakusa.

Tumuwid ng tayo si Hanamichi dahil kutob nyang mahalagang kataga ang sasabihin nito.

"Twelve players kayong nandito at ang iba sa inyo ay napuruhan, Fukuda, Jin at Daisho." Coach Zakusa

"Maayos na ang pakiramdam ko. Pwede na akong maglaro." Sabi ni Jin.

"Ganun din ako." Fukuda

"Ako rin, hindi naman grabe yung nangyari sakin." Sabi din ni Daisho.

"Mainam naman kung ganun. Kailangan parin kayo sa game, hindi pwede hindi." Coach Zakusa

"Bubuo ba tayo ng bagong line-up Zakusa?" Tanong ni Maki sa kaniya.

Tumango naman si Coach Zakusa. "Para sa 2nd half starting five, makinig."

Nakinig naman ang lahat sa kanya.

"Ang ipapasok ko ay si Maki, Sendoh, Watanabe, Nishizaki at Sakuragi." Anunsyo ni Coach Zakusa.

Tumaas ang isang kilay ni Kiyota nang hindi siya nasali sa binanggit ni Coach Zakusa.

"Ayos! Kasali parin ang henyo!" Tuwang sabi ni Hanamichi.

"Dapat lang Sakuragi." Sagot ni Haruko na ikinatingin niya. "Isa ka kase sa mahalagang player na dapat ipasok. Kung wala ka sa loob ng court, mahihirapan ang team na kunin ang rebound." Dagdag pa ni Haruko.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon