CHAPTER 103: Tokyo Vs. Akita

825 39 13
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 103: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

32 points ng Tokyo Team laban sa 39 points ng Akita Team. Sa natitirang 6 minutes at 10 seconds ay kailangan na nilang tapusin ang konting minutong natitira sa first-half.

Dahil ang Akita Team ang huling nakapuntos, ang bola ay mapupunta sa kuponan ng Tokyo. Binigay kay Sendoh.

Agad namang nakagawa ng defense formation ang kalaban.

"Masahiro." tawag ni Fukatsu.

"Bakit?"

"Ikaw ang aasahan ko pagdating sa intentional shot. Hangga't maari ay huwag mo silang hayaan na makalapit o makapagshot sa ring." utos niya.

"Okay, naintindihan ko."

"Mainam. At kami naman ang bahala sa interceptions."

"Sige."

Dinribol ni Sendoh ang bola patungong right side angle in the 5 degree ahead si Sendoh. Sa left area naman ay nakatayo si Jin. Sa shooting-guard area ay nadoon si Kiyota at sa Point-guard area naman ay si Maki. Samantala si Hanamichi ay nasa free throw area.

Isang 4-1 high low offense ang ginawa ng Tokyo Team para mabuwag ang depensa ng Akita. Nabago na din ang anggulo ng kanilang pwesto kaya sinamantala yun ng Tokyo Team para makapuntos.

Agad binabagan ni Iwata si Sendoh, si Fukatsu kay Maki, si Itakura kay Jin, si Masahiro kay Kiyota. Samantala si Hanamichi ay mag-isang nakatayo sa Free throw area at walang bantay dahil si Masashi ay nakabantay sa ilalim ng ring.

Direktang nagtinginan ng mata sa mata ang dalawa.

*Pass!*

Walang tawag o senyas nang pinasa ni Sendoh ang bola kay Hanamichi na ikinaalerto ng ibang players ng Akita Team.

Mula sa free throw area agad nagpose si Hanamichi para magshoot. Agad namang humarang si Masahiro at Itakura kay Hanamichi samantala si Masashi ay nakatayo parin sa ilalim ng ring.

Tumalon si Hanamichi na may jumpshot pose. Tumalon din si Masahiro at Iwata.

*Pass!*

"Ano!" Masahiro/Iwata

Ang bola ay pinasa pabalik ni Hanamichi kay Sendoh.

"BILIS SENDOH!" sigaw ni Coach Taoka na kakabalik lang.

"HARANGAN NIYO!" sigaw din ni Coach Kawarama.

Hindi nakapagtimpi si Masashi sa kinatatayuan niya kaya binabagan niya si Sendoh.

Medyo nahirapan si Sendoh sa kaniya dahil sa laki, taba at galing ni Masashi sa depensa kaya mahihirapan siyang palusotin ang bola.

"5 MINUTES NA LANG!

HUWAG SILANG PAPUNTOSIN!

SIGE AKITA!"

"HOY TOKYO BUMAWI KAYO!" sigaw ni Koshino sa gigil.

Hindi na pinatagal ni Sendoh kaya...

"Wala yan!" pigil ni Masashi.

*Pass!*

"Ano!" Masashi

"PINASA NA NAMAN NIYA!"

Ang bola ay nakuha ni Maki sa ito agad ng jumpshot.

*Pak!*

Natamaan ni Fukatsu ang bola.

Napayukom ng kamao si Maki. Talagang ayaw magpatalo ni Fukatsu sa kanya. Aminado si Maki na mas malakas na Point-guard si Fukatsu kaysa sa kanya, pero kahit na ganun ay hindi nagsisink-in sa isip na Maki ang pagtalo sa kanya. Ginagawa ni Maki ang makakaya niya para talunin siya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon