SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 106: Tokyo Vs. Akita
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa pagpasok ng Tatlong-others ay siya namang pinabubulungan ng mga tao. Si Coach Kawarama ay tila bang nainsulto at nayabangan sa ginawa ni Coach Zakusa. Hindi niya lubos akalain na line-up ng mga First Year laban sa kanyang malakas na line-up.
Si Coach Zakusa naman ay parehong pinagtitingnan ng tatlong player na binangko niya na sina Maki, Sendoh at Fujima.
"Huwag niyo nga akong tingnan ng ganyan mga choy! May dahilan ako!" suway niya sa tatlo.
"Pero, Zakusa. Hindi biro ang kalaban sa court. Ano bang iniisip mo?" tanong ni Maki.
"Syempre plano, ano pa ba?" sagot niya.
"Line-up ng mga 1st year ang gusto mong humarap sa limang malalakas na players ng Akita Team? Pinag-isipan mo ba talaga yan?" tanong ni Hanagata na ikinatingin niya.
"Wow, down na down lang? Nahihinaan ka sa plano ko? Have you forgotten those 3 jerks ay mga company players na maihahalintulad sa amin nina Yuki at Muzaka?" tanong pabalik ni Coach Zakusa kay Hanagata.
"Pero, Zakusa. Mga bata sila. Never pa nilang nakaharap sa match ang Toyotama at Sannoh. Sa tingin mo ba kaya nilang talunin sina Fukatsu, Masahiro, Masashi, Iwata at Mikio Kawata?"
"Sino nagsabing tatalunin nila?" natigilan sila sa tinanong ni Coach Zakusa. "Lilinawin ko lang. Wala akong sinabi na layunin nilang talunin ang limang taong binanggit mo." dagdag pa niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sendoh.
"Sila ang tatapos sa first-half. Yun lang. Sa second-half naman ay ibabalik ko kayo dala ang panibagong plano." Coach Zakusa
"P-panibagong plano?" Hanagata
"Oo, at mamaya ko na lang sasabihin yun kapag nasa locker room na tayo para masinsinang niyong marinig..." sagot ulit niya saka binalingan ng tingin ang court.
"Dahil mas magiging mahirap ang second-half. Bulgaran ng plano at palabasan na ng alas.Sa court, dahil si Mikio ang huling nakapuntos kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Hawak ni Kiyota ang bola. Ang Akita Team naman ay nanliliitan sa kanila at gumawa na lang ng defense form.
Samantala ang Tatlong-others ay parehong ngumisi dahil sa wakas ay maglalaro ulit sila mula sa mahabang pagkabangko.
Lingid sa kaalaman ng iba kung ano ang kaya nilang gawin lalo na kapag gagawin nilang bala sina Kiyota at Hanamichi.
"Anong plano, Bentoy?" tanong ni Hanamichi.
"Wala nang plano-plano. Basta magfocus ka sa bola. Tulad ng dati, hindi tayo gagamit ng senyas para sa pasahan." sagot ni Watanabe.
"Kung sa bola lang mag focus, eh paano naman yung depensiba?" tanong rin ni Kiyota.
"Pareho naman kayong mabilis ni Sakuragi, diba? Iwasan niyo lang sila hangga't maari, wag kayong makipagpwersahan. Sayang ang lakas." sagot ulit ni Watanabe.
"Pero, Bentoy. Magmumukha akong duwag niyan. Hindi ako makakapagdebyo ang Henyong Si Hanamichi Sakuragi!" maktol ni Hanamichi.
Nagsalita si Daisho sa kamaktolan niya.
"Kung ang pride mong yan ang uunahin mo, may posibilidad na mailampaso nila tayo, Sakuragi. Hindi mo ba napansin ang mga titig nila sa atin? Minamaliit nila tayo kase nga mga first year tayo." sabi niya.
"Kahit ano pang panliliit sa atin ay wala akong pakealam, Shokoy! Hangga't nandito ang Henyo, hindi mangyayari yun!"
"Kung seryoso ka sa ambisyon mong maging MVP, Sakuragi. Maiintindihan mo ang sinasabi namin. Hindi sa lakas, galing o sa ilang puntos ang basehan sa pagiging MVP. Kundi sumasalamin sayo kung anong kahalagahan at magagawa mo na tatatak sa pangalan ng kuponan at sa isipan ng mga taong nakapanood sayo. Yun ang tunay na kahulugan ng Most Valuable Player, Sakuragi." paliwanag ni Nishizaki sa kanya saka nauna itong tumakbo sa kanila.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...