CHAPTER 38:

648 20 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 38:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Napamulat si Daisho dahil sa ingay...

"TOKYO FAITO!

FIGHT OH!

FIGHT OH!

FIGHT OH!..."

Napatingin siya sa tabi niya.

*PAK!*

Malakas siyang hinampas ni Mari sa ulo. Agad siyang napahawak dun.

"Ang ganda ng bungad mo sakin ah?" kunwari naiiyak siya. "Alam mo bang biruin mo lang ang lasing, wag lang ang bagong gising---"

*PAK!*

Hinampas siya ulit nito.

"Aray! Nakadalawa ka na agad sakin ah!"

"tssk..." inirapan siya ni Mari.

Napatigil si Daisho sa kakamaktol nang marealize niyang hindi na nakajersey uniform si Mari.

"Hindi ka Magtatraining sa team niyo?" tanong ni Daisho.

"ipinagliban ko muna..."

"Ha? Bakit?"

"ito ang unang beses na ipinagliban ko ang training ko... Dahil lamang sayo." tiningnan siya ni Mari ng direkta sa mga mata.

Napatikom si Daisho.

"Kanina sa classroom, bago ako umalis pinuntahan ako ni Olivia at nakipag-usap sakin. Ang sabi niya walang anumang ibig sabihin yung ginawa niya sayo, sadya daw nakasanayan na nila ang ganun sa bansa nila. Kung iniisip mo parin Daisho na nagagalit ako sayo or ano... Wag kang assuming, nabigla lang ako dun." paliwanag ni Mari.

Napangiti ng hindi namamalayan si Daisho.

"Kung ganun ba nyan, Mari... Peace na tayo?" nakangiting tanong ni Daisho.

Umismid lang si Mari.

"Waaaaaahhh kaya nga mahal---"

*PAK!*

Agad siyang hinampas ulit dahil akmang yayakapin niya si Mari.

"Hahaha hindi naman masakit." ngumiti si Daisho.

"Tumayo ka na dyan at magtraining ka na, Daisho Lyovochka!" sigaw ni Mari sa kanya.

Agad siyang napatayo saka nagsalute... "Yes, Ma'am!" sagot nito at tumakbong pumasok sa court.

Napacross-arm si Mari at naglakad patungo sa bench saka umupo sa tabi ni Fujima.

"Hay nako..." tangin sambit ni Fujima na nakatingin sa gawi ng court.

"SAKURAGI! KIYOTA! TIGILAN NIYO ANG BANGAYAN MGA GUNGGONG!" Sigaw ni Maki sa kanila at isa-isang pinagbatukan.

*BLAG!*

*BLAG!*

Parehong napahawak ang dalawa sa kanilang ulo.

"wala ba kayong balak magbago? Nasa iisang team na kayong dalawa kaya dapat nagkakasundo na kayo." suway pa ni Maki.

"Siya kase, Maki eh! Ang yabang-yabang!" Kiyota

"Ehh maniwala ka dyan, Lolo! Saksakan kase siya ng kabobohan!" Hanamichi

"Mas bobo ka!" Kiyota

"Mas bobo ka!" Hanamichi

"Bobong Unggoy!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon