SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 87:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Laglag panga na nakatingin si Hanamichi sa matanda.
Dahil tinawag siyang Hanarama Sakuragi sa halip na Hanamichi Sakuragi .
"Wag ka ngang mang gudtaym Lolo, hindi bagay sayo." sabi ni Hanamichi sa kanya na kunwaring natatawa.
Pero ang matanda ay nakatingin lang sa kanya.
"Nakakatakot na ah..." bulong ni Hanamichi.
"Ah... Excuse me po Lolo. Pero, nagkakamali po kayo. Siya po si Hanamichi Sakuragi, hindi po Hanarama." pangongoreksiyon din ni Haruko sa matanda.
Tila napagtanto ng matanda ang ginawa niya at napailing na lang.
"Nako, pasensya na Hijo, Hija. Nagkamali lang ako." ang ngiti ng matanda ay dahan-dahang nawala.
Nakaramdam ng lungkot si Haruko sa naging ekspresiyon ng matanda.
"Lolo... Ano po ang pangalan niyo? Ako nga po pala si Haruko." magalang na pakilala niya.
"Pasensya sa mga sinabi ko... Seiryuu Ukuda ang aking pangalan." pagpapakilala ng matanda saka tiningnan ulit si Hanamichi.
"Hanamichi, tama?""Oo, bakit?" masungit na tanong pabalik ni Hanamichi.
"Pasensya ulit kung napagkamalan kita. Magkamukha talaga kayong dalawa." Lolo Seiryuu
Ngumuso si Hanamichi sa matanda saka nagtanong.
"Hanarama Sakuragi yung sinambit mo diba?"
"Oo, Hijo."
"Sakuragi din apelyido ko. Kilala mo'ko?" tanong ulit ni Hanamichi.
"H-Hindi ako sigurado... Matagal na panahon na din ang lumipas." sagot ulit ng matanda.
Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi. "Anong ibig mong sabihin dyan, Lolo?"
"Lolo... Hindi po kaya ang Hanarama na sinambit mo ay may kinalaman kay Hanamichi?" tanong ni Haruko.
Tiningnan siya ng matanda at napayuko na lang ito.
Ngumiti ito ng mapakla nang maalala niya ang pangyayari noon.
"Hindi ako sigurado sa isasagot ko hija... Kase noong panahon ng kabataan ko ay matalik kong kaibigan si Hanarama. Dati kaming basketball player nung 1969 mula sa Miyagi Prefecture. Matangkad siya, mas matangkad sayo ng limang sentimetro." Panimula ni Lolo Seiryuu sa istorya.
"Basketball Player din pala ang Hanarama na yan, pareho kami." sambit ni Hanamichi na parang nag-iisip.
"210 ang height nya? Kung ganun, Centro ang posisyon nya?" Haruko
"Oo, at sa panahon na yun ay naituring siyang pinakamatangkad na centro dito sa japan. Hindi katulad ngayon, kahit mga bata pa ay umaabot ng 215 centimeters ang tangkad. Si Hanarama ang pinakamagaling na centro at reboundant ng kapanahunan namin. Ang kahit graduate na kami ng kolehiyo ay nagpatuloy parin kami sa paglalaro bilang hanap-buhay. Naalala ko pa yung huling laban namin, kami ang representative ng Miyagi Prefecture, summer tournament at kung aling Prefecture Team ang mananalo ay siyang maglalaro kalaban ang ibang kuponan sa labas ng bansa."
"Wow? May pa international matches na pala noon? Eh kayo ba ang nanalo, Lolo?" tila naganahan si Hanamichi sa kinukwento ng matanda.
"Hindi." sagot ni Lolo Seiryuu.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...