CHAPTER 81: Tokyo Vs. Toyotsu

602 34 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 81: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Limang minuto na lang Team!" sigaw ni Mari mula sa coaching box.

"Mahaba pa yan! Kontrolin niyo lang ang emosyon niyo! Mahahabol natin yan!" sigaw rin ni Haruko.

Samantala si Fujima naman ay nag-iisip ulit ng plano.

Sa court. Nakatingin si Sendoh sa gawi nila Mari at Haruko na naka thumbs-up saka ngumiti.

"Okay, sabi niyo eh." ngumiti si Sendoh sa kanila.

"Sendoh."

lumingon si Sendoh sa kung sino ang tumawag dun.

*Pak!*

Napahawak siya sa kanang braso niya.

"Aray naman! Ang sakit nun ah?" Sendoh

"Magseryoso ka kase! Super Ace Player ka bang talaga?" tanong ni Jin.

"Seryoso naman ako ah! Sadyang pinagtulungan lang nila ako. Ikaw ba daw bantayan ni Mikoshiba, Tsuchiya at Muzaka. Makagalaw ka kaya nang maayos?" tanong pa ni Sendoh at hinimas yung brasong hinampas ni Jin.

"Kahit si Hanamichi pinagtutulungan din nila. Kapag hawak na niya ang bola binababagan agad siya nina Rango, Mikoshiba at Morishige. Haysss..." dagdag pa niya.

Huminga na lang ng malalim si Jin at pinatalbog ang bola.

(Bouncing...)

"Sendoh... Ilahad mo yung kamay mo."

Nagtaka naman si Sendoh. Nilahad nya naman ang kamay niya.

*Pak!*

Natigilan si Sendoh dun dahil nag-apir si Jin sa kamay niya.

Ngumisi siya dahil dun.

"Kung ganun Jin..." nakangising panimula niya at tiningnan niya si Maki.
"Maki!"

Napatingin si Maki sa kanya at walang pasabing nakipag-apiran din si Sendoh sa kanya.

Ang gulat na mukha ni Maki ay napalitan din agad ito ng ngisi.

"Kung ganun..." Maki

"Oo, Maki." ngumisi si Sendoh sa kanya.

Samantala si Kiyota at Hanamichi naman ay nagtataka kung bakit nag-apiran ang tatlong Senpai nila.

"Bakit kaya?" tanong ni Hanamichi.

"Hindi mo alam, Unggoy? Yan ang secret sign ng Team natin kapag magpapalit ng posisyon..." sagot ni Kiyota. Natigilan siya nang mapagtanto niya ang huling sinabi.

Nagtinginan agad sila.

"Magpapalit sila ng posisyon?" nanlalaking mata na tanong ni Kiyota.

"Kung ganun... Ibang posisyon na rin ang lalaruin ni Lolo at Sendoh?" Sakuragi

(Pumito...)

Ang bolang hawak ni Jin ay pinasa kay Sendoh.

Itinaas naman ni Sendoh ang hintuturo nya.

(Gasp...)

Nagsinghapan ang nagbulungan ang mga manonood dahil nakataas ang hintuturo ni Sendoh.

"Tignan mo yung Sendoh No. 7 ng Tokyo Team. Nakataas ang hintuturo nya!

Kung ganun Point-guard siya?

Maglalaro na siya bilang Point-guard?"

"Okay Team! Gising na tayo! Sa Pagkakataong ito, wag nang palelembot-lembot!" nakangiting sigaw ni Sendoh sa kanila habang nakataas ang hintuturo nito.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon