SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 43:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
ilang araw ang lumipas nang magsimula ang training camp nina Hanamichi Sakuragi sa loob ng University na pinapasukan nila kasama ang ibang players.
"SIGE PA! TAKBO PA!" Sigaw ni Mari habang nakahawak sa megaphone.
"Bwisit!" Kiyota
"Kaasar! Simula pa nung lunes wala na kaming ginawa kundi takbo lang ng takbo." Reklamo ni Hanamichi.
"Malapit nang mag-alas sais, kanina pa tayong alas kwatro tumatakbo... Halos ubos na yung lakas ko sa kakatakbo..." nanghihinang sabi ni Watanabe.
"Buti ka pa nga paubos na ang lakas mo, sakin nga di ko na nararamdaman ang mga paa ko." Daisho
"Limang araw na tayong ganito, mamamatay na yata ako ng maaga neto..." maktol ni Nishizaki.
"WAG NIYONG BAGALAN ANG MGA TAKBO NIYO! BILISAN NIYO!" Sigaw ulit ni Mari.
Sa gilid ng gymnasuim, nakatayo sina Haruko kasama ang apat na ungas. Sa tuwing matapos ang klase nila ay palagi nilang kinakamusta si Hanamichi at pati na ang training performance nito. Palagi nilang tinatanong si Mari kung nagagawa ba ni Hanamichi ang punishment nila ng maayos. Nakangiti namang sumasagot si Mari sa mga katanungan nila, sinasabi pa nga nito sa kanila na saksakan ng reklamo si Hanamichi pero hindi halata sa katawan nito ang pagod. Ibig sabihin nito ay talaga daw na napakataas ng stamina niya at hindi basta-basta mapabagsak dahil sa pagod.
"Alam kong naiinis na si Hanamichi sa ginagawa niya, para din yang basic training nung unang sali niya sa basketball, paulit-ulit pinapagawa sa kanya ang mga bagay na madali lang para sa kanya." napawika si Mito sa kinatatayuan niya.
"Napapansin ko nga, Mito. Pero kailangan niya ang training na yan lalo na at nakapasok ang team natin sa Semi Finals." nakangiti ring wika ni Haruko habang nakatingin kay Hanamichi.
"Aha! Gets ko na!" napatingin silang lahat kay Takamiya.
"Anong na gets mo taba?" takang tanong ni Ohkusu.
"Kaya pala nung nakaraang araw nagiging mahigpit na si Fujima sa training nila, pagkatapos ng Jogging nila nagpapraktis pa ng passing haggang alas-onse ng gabi." Sagot ni Takamiya na tila inaalala ang pangyayare.
"Oo nga, pansin ko rin yun. Siguro alam na nila Fujima ang resulta kung anong kuponan ang ibang nakapasok sa Semi-Finals." Noma
"tapos kaya mahigpit ang training niya para kina Hanamichi ay dahil alam niyang malalakas ang makakalaban ng team natin!" Takamiya
"Kahit na malalakas pa silang Team..." napatingin silang lahat kay Haruko.
"... Alam ko at naniniwala ako na hindi magpapatalo si Sakuragi sa kanila. Ramdam ko yun." dugtong ni Haruko.Napakurap ang apat na ungas sa sinabi ni Haruko.
Nanlaki ang mga mata ni Haruko at agad namula nang marealize niya ang sinabi niya.
"Ahhh related sa basketball ang mga sinabi ko... W-wag niyo naman akong tingnan ng ganyan nakakailang eh..." nahihiyang sabi ni Haruko habang namumula.
Napaismid si Mito.
"Ayos lang, Haruko. Lahat tayo na nakakakilala kay Hanamichi ay ganun din ang iisipin. Malakas si Hanamichi pero mahina nga lang ang utak." sabi ni Mito.
"Nyahahahaha ano pustahan tayo? Pagkatapos ng training ni Hanamichi ay aawayin na naman niya si Fujima?" aya ni Takamiya.
"Pambihira ka, Taba! Halata naman sa pustahang yan na aawayin ulit ni Hanamichi si Fujima eh. Ikalawang araw nila sa training camp inaway na niya si Fujima dahil puro takbo lang daw ang pinapagawa nito." Ohkusu
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanficNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...