SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 72: Tokyo Vs. Toyotsu
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nang matapos ang time-out na binigay sa Toyotsu Team ay inayos nila ang mga sarili nila para bumalik sa court.
Ang kasalukuyang score ng parehong kuponan sa First-half ay,
Scoring Board [Time: 10:40 sec]
TOYOTSU|23|1st|26|TOKYOPumito ulit ang Referee tanda na kailangan na nilang ipagpatuloy ang laro.
"Toyotsu! Wag niyong kakalimutan ang sinabi ko! Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para manalo sa laban na'to at tayo ang maglalaro sa Play-Offs, maliwanag?!" sabi sa kanila ni Coach Terushima.
"OPO/YES COACH!!!" sagot nilang lima.
"Galingan niyo Team, 3 points lang ang lamang nila, kaya pang habulin yan." nakangiting sabi ni Ichiro sa kanila.
"Mahahabol namin yan." sagot ni Morishige at naglakad na sila pabalik sa court.
Samantala sa Tokyo's Bench sabay-sabay silang sumigaw.
"TOKYO..." Maki
"FIGHT OH!!!" sigaw nina Hanamichi saka pumunta sa court.
"Maging mahinahon at gamitin ang isip. Tandaan niyo palagi yan!" sigaw sa kanila ni Fujima.
"Oo, Fujiboo! At tayo ang mananalo!" sigaw pabalik sa kanya ni Hanamichi.
Napangiti na lang si Fujima at napaekis ng kamay.
"Kahit Gunggong ka, Sakuragi... naniniwala ako na hindi mo kami bibiguin." mahinang sabi ni Fujima sa kanyang kinauupuan.
"GALINGAN NIYO TEAM!" sigaw ni Haruko sa kanila.
"TOKYOOOOOOOOOO!" cheer ni Herai
"FIGHT OH!" cheer rin nina Garda at ang apat pa nitong kasama.
"HANAMICHIIIIII!" sigaw rin ng apat na Ungas.
"Foul naman dyan!" pahabol pa ni Ohkusu.
"Shattap!" masungit na sagot ni Hanamichi.
"MAY 10 MINUTES PA! MAHABA PA ANG ORAS KAYA ISIPIN NIYO NG MABUTI ANG BAWAT GALAW NIYO!" sigaw ni Mari sa kanila habang nasa table niya.
"Galingan mo Sakuragi!" nakangiting suporta ni Haruko.
Nag victory sign si Hanamichi sa kanya.
"Oo, Haruko My Loves!" sabi nito.
Napatikom si Haruko at namula ang mukha dahil sa sagot ni Hanamichi. Tiningnan naman siya ng mga nakabangkong players ng Tokyo.
"A-Ahhh... W-wag niyo naman akong tingnan ng ganyan." sabi ni Haruko sa kanila saka tinakpan ang mukha.
Parehong napangisi ang Tatlong-others.
"Aba ang galing, mukhang girlfriend na siya ni Sakuragi. Ang swerte ng loko ah." nakangising sabi ni Watanabe habang nakataas ang isang kilay.
"Oo nga, kutob ko yan. Hindi katulad ng isa dyan legal na yung feelings pero hindi parin pinapansin." sabi naman ni Nishizaki na tila may pinaparinggan.
"Hoy ano na Daisho? Galaw-galaw rin dyan, gwapo ka pa naman. Gunggong yang si Sakuragi pero naunahan ka pa." pang-aasar ni Watanabe saka sabay nilang tinawanan si Daisho.
Tumigil sa kakatawa sina Watanabe at Nishizaki nang tingnan sila ni Daisho ng walang emosyon.
Nanlaki ang mga mata nila nang may lumabas na dalawang butil ng luha sa magkabilang mata nito na tila pinipigilang bumuhos ito.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanficNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...