SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 97: Tokyo Vs. Akita
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
"Ipasok mo Sendoh!" sigaw ni Hanamichi sa kanya sabay pasa ng bola.
Napatayo si Coach Taoka sa kinauupuan niya.
"Ayos... kombinasyon ang pinapakita ng dalawang 'to."
Hindi na pinatagal ni Sendoh ang paghawak sa bola at shinoot ito.
*Shoot!*
"AYOOOOOOOOS!
NICE SHOT SENDOH!
ANG GALING NG TRES MO SENDOH!" sigawan ng mga tao.
Ang natitirang oras ngayon sa first-half ay...
Time: 13 minutes and 54 seconds
Akita Team: 15 points
Tokyo Team: 17 pointsAng mga company coaches na nasa scoring table ay naliliitan sa puntos ng parehong kuponan.
"Almost 7 minutes na ang nagamit nila and the points... not even reach in the line of two's." sabi ng Coach ng Kawasaki.
"Patunay lang na ang individual players ay may kanya-kanyang kakayahan and they are not counting to their comrades." nakangiting sabi ng Coach ng Fujidenzo.
Tingnan naman siya ng Coach ng Nissin at Ajinomoto.
"Mahusay ang Sendoh'ng yan, without knowing siya pala ang kasalukuyang Super Ace Player ng College Matches." sabi ng Nissin Coach.
"Maraming magagaling na players ang lumitaw sa taong ito. Sana mabago na ang state system ng Japan Basketball Association na hindi lang dapat magfocus sa mga 4th year and graduate players." objection ng Ajinomoto Coach.
"Sang-ayon ako sa sinabi mong yan." wika ng Coach ng Fujidenzo.
Ang Coach ng Fujidenzo ay tumingin sa gawi ng coaching box ng Tokyo Team. Nakatingin siya sa gawi ni Zakusa saka tiningnan din ang gawi ni Yuki sa Press Bench.
"Kapag nabago ang sistemang yun. Maaari ko nang irekomenda si Yuki at Zakusa sa Japan National Men's Basketball bilang mga Representatives ng Tokyo Prefecture."
Ang bolang tumalbog sa sahig ay agad dinakma ni Itakura. Tiningnan niya si Sendoh na hindi kalayuang nakatayo sa kanya.
Samantala si Sendoh ay napakamot lang ng ulo.
"Bago ako tumira ng tres, nakita kitang palapit sakin. Binabalak mo bang banggain din ako tulad ng ginawa mo sa Tres Shooter namin?" takang tanong ni Sendoh sa kanya.
Parang nainsulto si Itakura sa tanong niya. Makasalubong na kilay ang kanyang mga tingin kay Sendoh.
"Alam mo pala..." sa tono ni Itakura ay may halo itong banta. "Gusto mo bang mamatay?"
Natigilan si Sendoh sa kanya. Nakaramdam ng lamig si Sendoh...
Dahil sa lakas ng aircon at tumutulong pawis sa katawan niya.
"Woooh, ang lamig." nanginginig si Sendoh.
"Mas lalamig pa ang katawan mo kapag ginawa kitang bangkay." banta ulit ni Itakura na parang baliw.
"Na nanakot ka ba?"
"Bakit? Natatakot ka?"
"Hindi." ngumiti sa kanya at mahinang tumawa. "Wa epek yang panakot mo. Wala ka sa kalingkingan ni Maki kapag nagalit HAHAHA!" tawa ni Sendoh saka tumakbo patungo sa mga kasamahan niya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...