SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 24: TOKYO VS. OSAKA
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Napahilot ng kamao si Hanamichi dahil sa nangyari...
"Mas lalo ko kayong hindi paiiskorin..." napangisi si Hanamichi.
Tiningnan niya ang Score nila, 18:45 time... 9 score na sila samantala sa Osaka ay 0 parin.
(Pumito...)
Nagsimula ulit ang kalaban nila para sa opensa. Nagdidribol si Hayato at mabilis na tiningnan ang mga kasamahan niya kung sino ang papasahan niya, napatingin siya kay Miyojun na nauunang tumakbo kaysa kay Hanamichi.
"MIYOJUN!"
Pinasa pataas ni Hayato ang bola kaya napahangad ang ibang player. Napangiwi si Miyojun dahil sa sobrang taas ng pasa nito.
"Ang taas ng pasa niya..." wika ni Miyojun sa sarili niya at tumalon ng mataas.
"halika dito!..." Miyojun
"WALA YAN!"
Biglang sumulpot sa harapan niya si Hanamichi at nakuha nito ang bola imbes sa kanya.
Napatayo ang mga karamihan sa manonood kasali na dun si Coach Ogata.
"PAANO AGAD SIYA NAKAPUNTA DYAN!" sigaw niya na naiinis.
"ANG BILIS NUNG NO. 10 OH!"
"ANG TAAS NIYANG TUMALON PREH!"
"TAO BA TALAGA YAN?"
Napangiwi si Kiyota na nasa ibaba... "Ehh pasikat tong Unggoy na to..." bulong niya.
Pagkaabot ni Hanamichi sa bola ay agad niya itong hinagis papunta kay Watanabe habang nasa ere...
"Bentoy!..."
"WAAAH YANG NO.10! PAANO NIYA NAIPASA ANG BOLA HABANG NASA ERE?!"
"PARA SIYANG LUMILIPAD?..."
Agad nakuha yun ni Watanabe at mabilis na nagdribol papunta sa half court nila.
Napalinga si Watanabe at parehong nasa mahigpit na depensa sina Daisho at Nishizaki. Ang tanging nagbabantay sa kanya ay si Kentaru lang.
"Akin na yang bola!" Kentaru
Pero iniwas yun ni Watanabe sa kanya paibaba saka nag lay-up shot.
*SHOT!*
Nagsimula na namang maghiyawan ang tagasuporta ng Tokyo.
"AYOS!!"
"PUNTOS NA NAMAN!"
"WAG SILANG PAIISKORIN!" nakangising sigaw ng apat na ungas.
Nakaismid si Watanabe kay Kentaru.
"Ang yabang mo..." Kentaru
"Wala pa nga akong sinasabi..." nakaismid na sabi ni Watanabe saka siya tinalikuran.
"Nice pass, Sakuragi!" nakipag-apiran si Watanabe.
"Ang galing ng pasok mo, Bentoy!" Hanamichi
"Hahaha ano? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakangising tanong ni Watanabe.
"Magiging ayos lang ako kapag natapos ang first half na wala parin silang score..." nakangising sagot rin ni Hanamichi.
"Bwahaha ang sama mo talaga!" hinampas siya ni Watanabe sa balikat sabay sigaw ng... "BALIK SA DEPENSA TEAM!"
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
Fiksi PenggemarNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...