SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
SPECIAL CHAPTER Part 2:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
* * * T.I.U GYMNASIUM * * *
Ilang linggo na lang natitira at magsisimula na ang pinakahihintay nilang Intercollegiate Matches. Dahil ang Tokyo Team ang nanalo sa final match, ito ang magiging unang beses na sasabak sa ibang bansa. Kaya may mga Coach at Players ang nagbuluntaryo na tulungan sila sa training para paghandaan ang mas matinding match.
Ang sinabi ni Coach Kawarama kay Hanamichi ay kanyang tinupad.
Hindi lang siya ang nag volunteer sa pratice game ng Tokyo Team kundi pati rin ang kanyang nag-iisang player na nakasali sa Japan National Men's Basketball Team na si Kenjiro Sakurayashiki. Nandito rin si Muzaka para tumulong sa kanilang ensayo.
"Ano siyam na lang kayo? Bakit? Nasaan ba yung tatlong company players?" Tanong ni Sakurayashiki sa kanila.
"Umalis na sila sa Team." Sagot ni Maki.
"Bakit naman?" Tanong ni Muzaka.
"Yung first year Center namin na si Daisho ay nag expire ang visa, hindi na makapag renew kaya kailangan na niyang umuwi sa Russia. Si Watanabe at Nishizaki maman ay naimbitahan na maging Official Player ng Nissin para lumahok sa Olympic games." Sagot ulit ni Maki.
"Ahh... Sayang. Magagaling pa naman ang mga iyon." Sabi ulit ni Muzaka.
Samantala si Coach Zakusa, Yuki at Coach Kawarama may pinag-usapan sa gilid ng court.
"Ano po? Seryoso po kayo sa sinabi niyo?" Gulat na tanong ni Coach Zakusa sa kanya.
"Hindi nga?" Yuki
Tumango naman si Coach Kawarama. "Sige na mga hijo. Minsan lang naman eh. Kayong mga 4th years ay lalabanan ang Team niyo. Ikaw, si Yuki, Muzaka at Sakurayashiki."
"P-pero, Coach. Apat lang kami. Kulang kami."
"Edi ako ang magiging panglima."
"Ho? Ang tanda mo na po para maglaro ka. Baka kung mapano ka ang Tokyo Team ang malalagot." Maktol ni Yuki.
"Gunggong kang bata ka! 61 pa ako, hindi pa marupok ang mga buto ko!"
Lumapit naman si Hanamichi nang marinig niya ang bangayan nila.
"Oh bakit parang may bangayan dito?" Nakangising tanong ni Hanamichi.
"Sakuragi, kausapin mo nga 'tong Lolo mo. Ang tanda-tanda kung ano pang kalokohan ang gagawin." Sumbong ni Yuki sa kanya.
"Hindi yun kalokohan! Gusto kong maglaro kasama ang Apo ko, bawal ba yun?" Naiinis na niyang sabi.
Tinignan naman siya ni Hanamichi na nakataas ang kilay. "Maglalaro ka, Lolo?"
"Oo." Sagot ni Coach Kawarama.
Bumuga ng hangin si Hanamichi saka inakbayan ang kanyang Lolo. Dinala niya ito sa free throw area para kausapin ng masinsinan.
"Coach Lolo naman... Naiintindihan ko ang nararamdaman mo subalit--- isa ka nang matandang hukluban at laos na. Hindi mo kakayanin kapag ang Apo mong MVP ang makalaban mo. Sasabihin ko na sayo hangga't maaga pa. Matatalo ka lang sa HENYONG ito. Baka mapahiya ka lang, Coach ka pa naman ng dating numero unong kuponan. Kaya wag na po Coach Lolo, okay?" Pangungumbinsi ni Hanamichi sa kanya.
Tumingin ng seryoso si Coach Kawarama sa kanya. Imbes na magalit o mainis sa mga sinabi ni Hanamichi ay ngumisi ito. Hinarap niya si Hanamichi habang nakatalikod sa ring.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...