SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 92: Tokyo Vs. Akita
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Hindi makapaniwala si Hanamichi nang marinig nya ang buong pangalan ng Coach ng Akita Team.
Pagkatapos ipakilala ng speaker ang parehong Coach ay umupo na sila sa kanilang coaching box.
Sandaling nagtinginan sa mata si Coach Zakusa at Coach Kawarama.
"Ang sama makatingin ng matandang pulang-buhok na'to ah... Kaano-ano niya kaya si Sakuragi?" tanong ni Coach Zakusa sa kanyang isip.
Samantala si Coach Kawarama ay ganun din ang iniisip.
"Anak ni Ryuusuke Zakusa ang batang 'to, ang dating miyembro ng Japan National Men's Basketball. Sa pagkakaalam ko 4th year student pa'to... Hindi na masama kung susubukan ko ang galing niya sa pagiging Coach." nakaismid na sabi ni Coach Kawarama.
Naglakad na sa gitna ang parehong starting line-up ng parehong kuponan.
Ang mga manonood ay halo-halo ang nararamdaman. Kaba, excitement, pag-aalala at iba pa.
Samantala sina Coach Anzai, Taoka at Takato ay hindi parin kumbinsido sa nalamang pangalan ng matandang pulang-buhok.
"Kawarama Sakuragi? Kung ganun kamag-anak siya ni Hanamichi Sakuragi?" takang tanong ni Coach Anzai.
"Pareho din sila ng kulay ng buhok ni Sakuragi. Hindi kaya maglolo ang dalawang yan? Ano sa tingin mo Coach Anzai?" tanong ni Coach Takato
Pero si Coach Anzai ay nanatili paring tahimik habang nakatingin kay Coach Kawarama.
"Coach Kawarama..." panimulang sambit niya n ikinatingin ng dalawang Coach na katabi niya.
"May alam kaba tungkol sa kanya, Coach Anzai?" tanong ni Coach Takato.
"Oo... Marami." sagot nito.
"Si Kawarama Sakuragi ay ang nakababatang kapatid ni Hanarama Sakuragi na tulad niya rin ay magaling sa larangan ng basketball. Si Hanarama ay tinalo ko noon sa Prefectural Tournament nung ako'y miyembro pa lang ng Kanagawa Team at isa sa napili upang maging kinatawan ng Japan Team." panimulang pahayag ni Coach Anzai.
"Ang Kuya ni Kawarama ay tinalo mo noon? Ano naman ang kinalaman ni Kawarama sayo, Coach Anzai?" tanong ni Coach Takato.
"Si Kawarama ang dahilan kung bakit nademote ako sa Japan Team." sagot agad ni Coach Anzai na parehong ikinagulat ng parehong Coach na katabi niya.
"T-Tinalo niya kayo?" Coach Takato
"Oo." Coach Anzai
"Paano?" Coach Taoka
"Kada taon ay naghahanap ng Tatlumpu't-anim(36) na malalakas na players mula sa iba't-ibang sulok ng Japan ang Japan Team at isasailalim muna sa 3 on 3 match kaya labing-walo(18) ang makakapasok, ang mananalo ay magiging miyembro ng Japan Team at ang hindi ay matatanggal. Magkakampihan ang players mula sa magkaibang Prefecture, kampi ko lagi noon ang star player ng Akita at Osaka at apat beses kaming nanalo kaya apat na taon rin kaming naglaro para ipresenta ang bansang Japan. No'ng ikalimang taon na pagpipili ay bigo na kaming makapasok. Dahil sa star player ng Hokkaido, Yamagata, at Miyagi Prefecture. At ang Star Player ng Miyagi Prefecture ng panahon na yun ay si Kawarama Sakuragi. Dahil sa pagkatalo naming iyon ay nademote kami sa Team. Kaya hindi ko na binalak na bumalik pa sa Team at naging Coach na lang ng College Team." mahabang sagot ni Coach Anzai.
"Yan ba ang dahilan kung bakit napakahigpit mong Coach noon sa College Team?" tanong ni Coach Takato.
"Parang ganun na nga. Pero gusto ko lang na maging magaling ang mga players na tinuturuan ko pero mukhang napasobra at naging masama pa." sagot ni Coach Anzai.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanficNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...