SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 67: Tokyo Vs. Toyotsu
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Hindi parin inaalis ni Hanamichi ang tingin niya kay Morishige at ganun din ito.
"Yabang ng kalbong bakulaw na'to ahh, ayaw talaga magpatalo sa titigan. Dukutin ko yang mata mo eh." sabi ni Hanamichi sa isipan niya.
Nagsidatingan naman ang mga dating nakalaban ng Tokyo, ang kuponan ng Osaka at Shizuoka pati na rin ang ibang kuponan na natalo sa District Tournament na makikinood din sa laban.
"Nandito yung mga taga-Osaka at Shizuoka oh."
"Hindi nakakapagtaka pare, malalakas na kuponan ang maglalaban ngayon."
"Totoo yun, at kaabang-abang ang laban nila ngayon kaya nga ang daming media ang nakaabang para dito."
Tumunog ulit yung buzz at nagsalita ang speaker ng Aichi Prefectural Gymnasuim.
"Magandang umaga sa lahat! Ngayon ay maglalaban ang parehong malalakas na kuponan mula magkaibang Distrito," Speaker
Napaayos naman tayo ang Apat na Ungas.
"Aba! Ang galing, may introduction pala?" nakangising tanong ni Mito.
"Hala! Ayos yan! Para maannounce rin ng Speaker yung kagunggongan ni Hanamichi!" sigaw ni Takamiya.
Narinig naman yun ni Hanamichi na ikinainis nito.
"TUMAHIMIK KA DYAN BABOY KA!" sigaw ni Hanamichi sa kanya.
"BWAHAHAHAHA!" tawa ng Apat na Ungas.
"Ang kuponan na maglalaban ngayon ay parehong kabilang sa Top 4 College Team ng Japan. Pakiusap pumunta kayo sa gitna, mula dito sa Nagoya. Ang Top 3 College Team - TOYOTSU INTERNATIONAL COLLEGE: NAGOYA FIGHTING EAGLES!..." anunsyo ng Speaker sabay tunog ng sports Anthem.
Sabay na naglakad papunta sa gitna ang kuponan ng Toyotsu, nagsihiyawan naman ng malakas ang mga tagasuporta nito. Tumayo ang apat na lalake na nag-aaral sa Toyotsu, saka binuklat ang malaking berde na banner na sumakop ng 25 na tayong nakatayo sa railings. Nakasulat sa Banner ang salita na translated Kanji Character na 'FIGHT'. Nakasasabay ang pagpapatugtog ng mga dalang plastik bottle nila.
"TOYOTSUUUUUUUU!!!
LET'S GO!
LET'S GO!
TOYOTSU!"
Ang lahat ng player ng Tokyo ay napatingin sa Cheering Squad ng Toyotsu. Halos mabingi sila sa lakas ng Cheer nito.
"Ang iingay naman ng mga taong 'to. Mapaos sana kayo." bulong ni Hanamichi.
"Kainggit naman, may banner sila." nakangiting sabi ni Sendoh.
Napaismid naman si Mari nang marining ni Mari ang sinasabi nila.
"Maghintay lang kayo mga Boys, meron din tayo nyan." nakangising sabi ni Mari saka tiningnan yung mga kaibigan niya na nakatayo sa Audience Area ng Tokyo.
Ngumisi rin ni Herai saka nag OKAY sign. "Girls?"
"Alright!" sagot ni Garda saka nilabas ang malaking itim na bag at nilabas nito ang isang malaking itim na tela. "Oras na para makabawi sa pagkukulang sa Boys Basketball Team natin!" dagdag pa nya.
"Rishiya! Sarida! Yujin!" tawag niya dito saka binuklat ang tela.
Inalayan naman siya ng tatlo na buklatin yun.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
Fiksi PenggemarNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...