CHAPTER 26: Tokyo Vs. Osaka

740 24 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 26: TOKYO VS. OSAKA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nag saya ang team ng Osaka dahil nakascore na rin sila sa wakas. May bumuong kumpyansa sa mga sarili nila namakakascore sila ulit.

"AYOS TEAM! ITO NA ANG SIMULA NA MAKAKABAWI TAYO SA KANILA!" sigaw ni Kentaru habang nakataas ang isang hintuturo nito.

"OO, BABAWI TAYO!" Sagot ng kasamahan niya.

"SA NGAYON, KAILANGAN NATING PIGILAN ANG OPENSA NILA. GAYA NG NAPAGPLANUHAN AY GANUN PARIN ANG GAGAWIN NATIN!"

"OO!!"

(Pumito...)

Si Watanabe ang may hawak ng bola habang nagdidribol ng palakad ay sumigaw din siya para sa Team nila.

Itinaas niya ang hintuturo nito...

"TEAM! WAG NIYO SILANG HAYAAN NA GAWIN NILA ULIT YUN SA ATIN! MAG-FOCUS LANG TAYO SA LARO AT MAGLARO NG PATAS SA KANILA!" sigaw ni Watanabe

"OO!!" Sagot ni Daisho at Nishizaki

Samantala... Si Hanamichi at Kiyota ay hindi sumagot.

"Pweeh! Pasensyahan na lang sa mangyayari, Bentoy..." mahinang sabi ni Hanamichi.

"Nanghahamon sila, bakit hindi kaya pagbigyan..." Kiyota

Nagsimula na ang 25 seconds nila para ishoot ang bola. Si Watanabe ang unang gumawa ng opensa.

Naghiyawan ulit ang mga manonood sa loob ng gymnasium.

"OSAKA! DEPENSA!

DEPENSA!

DEPENSA!..."

"OPENSA, TOKYO! OPENSA!

OPENSA!

OPENSA!..."

Pagkapasok ni Watanabe sa loob ng half-court sinalubong ulit siya ni Kentaru.

"Oh ano kaibigan? Ayos lang ba yung si Kiyota?" tila nang-aasar na tanong ni Kentaru.

"Ayos pa sa okay..." pinasa ni Watanabe ang bola kay Daisho na nasa center area.

Agad yun natanggap ni Daisho dahil sa bilis ng takbo nito saka nagjumpshot...

Pero biglang sumulpot ulit si Morisuke sa harapan niya para agawin ang bola pero mabilis niya itong iniwas paibaba at ipapasa sana ito ni Daisho nang harangan din siya ni Miyojun.

"Pambihira... Ayaw nila akong palusutin!" wika ni Daisho sa isipan niya.

Mahigpit ang depensa na ginagawa ni Morisuke at Daisho tila iniipit nila ito para hindi makakilos.

Nahihirapang tumingin si Daisho sa mga kasamahan nito dahil sa higpit ng depensa hanggang sa...

Palihim na binangga ni Miyojun ang siko niya pumalya ang pagkakahawak niya sa bola. Nabitiwan niya ito at tumalbog sa sahig.

"Kaasar! Ang daya talaga nila!" inis na wika ulit sa isipan nito.

"KUNIN NIYO!" Sigaw niya ni Daisho sa mga kasamahan niya.

Mabilis na nagtungo si Nishizaki para kunin ang bola pero naunahan siya ni Kentaru.

"Hahaha amin ulit ang score ngayon." Kentaru

Agad nagdribol pabalik sa half-court nila si Kentaru.

"HAYATO! BILISAN MO!" sigaw ni Kentaru kay Hayato na mabilis na tumatakbo sa half-court nila... "SALO!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon