CHAPTER 84:

704 31 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 84:

(PS: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos ng kahindik-hindik na laban sa Toyotsu ay bumalik sila sa kanilang locker room.

Samantala si Haruko ay naiwan sandali sa gymnasium para sabayan ang apat na ungas at ang Kanagawa Team.

Ang locker room nila na may sariling shower room sa loob kaya naligo ang ibang players na sumabak sa laro.

Sa upuan ay nakaupo ang ibang mga player na sina Maki, Sendoh, Jin, Ikegami, Hanagata at Fujima habang pinupunasan ang basang buhok nila.

Lumapit sa kanila si Mari na may ngiting itsura.

"Sobrang saya ko dahil tayo ang nanalo laban sa malakas na Team na yun. Ang kalabanin ang Toyotsu ay hindi biro." sabi ni Mari sa kanila.

"Totoo yan, hindi sila madaling talunin. Prediksiyon kong mas lalakas pa ang kuponan nila." sabi rin ni Maki saka sinuot ang itim na t-shirt.

Tapos na rin magbihis ang iba.

Natigilan si Mari nang marealize nyang wala pa si Hanamichi at Kiyota.

"Teka, nasaan sina Sakuragi at Kiyota? Hindi pa ba sila tapos?" tanong niya.

Sumagot si Jin sa tanong niya.

"Ewan ko sa dalawang yun, naliligo pa. Hindi pa ata tapos."

*BLAG!*

Sabay silang napatingin sa pinto ng shower room nang may marinig silang malakas na kalabog dun.

"Luhh, ano kaya yun?" Sendoh

At doon biglang lumabas si Kiyota na nakasuot ng pulang jogging pants habang hawak niya parin ang itim nyang tshirt.

Halos madapa ito nang lumabas sa cr.

Nagtaka ang lahat kung anong nangyayari.

"Bwisit kang Unggoy ka! Ang sakit nun ah!" bulyaw ni Kiyota.

Lumabas naman si Hanamichi na may sabon pa ang buhok habang nakatali sa ibabang bahagi niya ang tuwalya.

Agad naman tinakpan nina Daisho, Watanabe at Nishizaki ang mga mata ni Mari.

"Mari, wag mong tingnan!" takip ni Daisho sa mga mata niya.

Inis namang tinanggal ni Mari ang mga kamay nila saka isa-isang pinagpapalo sa ulo.

*PAK!!!*

"Hindi niyo na kailangang takpan ang mga mata ko, sanay na ako sa mga ganyan. At isa pa, wala lang yang postura ni Sakuragi kung ikukumpara sa tatlong 'to." sabi ni Mari sa kanila sabay tinuro sina Maki, Sendoh at Hanagata.

Parehong namula ang tatlo.

"Hoy Matsing! Ulitin mo pa yung sinabi mo sakin kundi makakatikim ka!" bulyaw din ni Hanamichi kay Kiyota.

"Eh totoo naman ah?!" Kiyota

"Pwehh! Atlis hindi tulad sayo puro ITLOG!" Hanamichi

"HOY!" Kiyota

"NYAHAHAHAH totoo diba? Itlog lang malaki sayo!" mapang-asar pa nitong sabi saka bumalik sa loob para tapusin ang pagligo.

Napayuko na lang si Kiyota sa hiya dahil sa kabwisitan ni Hanamichi.

Samantala sa labas ng locker room ay sabay na naglakad sina Haruko pati ang apat na ungas at sa likuran ay kasabay nila ang mga media press na si Olivia pati na ang dalawang 4th na sina Yuki at Zakusa.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon