CHAPTER 70: Tokyo Vs. Toyotsu

701 27 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 70: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ilang minuto ang lumipas nang magsimula ang laro. Habang nasa kalagitnaan ng paglalaban ay may hindi inaasang Team ang manonood sa kanila.

Ang Team Kanagawa.

"Tignan niyo!" sabi ni Yasuda saka tinuro ang scoring board ng parehong Team.

"12 on 12 ang score nila?" gulat na sabi ni Koshino.

"At sa loob lang yan ng anim na minuto. 14 minutes na lang ang natitira sa 1st-half, pero ganyan pa lang kakunti ang mga scores nila." wika ni Takasago.

"Masyadong dikit yung laban nila." Nagano

Tiningnan nilang lahat ang mga naglaro sa loob ng court.

"Aba, starting player agad si Maki at Sendoh!" Miyamasu

"Hindi nakapagtataka, malakas na kuponan ang kalaban nila ngayon. Ang Ace Player ng Meihou, ang Start Player ng Shizuoka at ang dating MVP ng Interhigh Tournament na si Atsushi Tsuchiya. Ngayon ay nagsama-sama sa iisang Team!" ayon ni Koshino.

*DUNK!*

Isang malakas na kalabog ang kumawala sa gymnasuim dahil sa malahalimaw na dunk ni Morishige. Si Kiyota at Hanagata ay parehong natumba dahil sa lakas nito, habang si Hanamichi ay parehong binabantayan nina Rango at Godai.

Nagsihiyawan naman ang tagasuporta nito.

"YAHOOOOOOOOOO!!

MORISHIGE!!" hiyawan ng mga tao.

"ANG LAKAS NUN AHH!"

"PARANG YUMANIG ANG BUONG GYM."

"ANG LAKAS TALAGA!" sabi pa ng iba.

Kaya ang kasalukuyang score ngayon ay,

Toyotsu: 14|0:14:32|Tokyo: 12

"Pambihira, lamang na yung kalaban nila!" inis na sabi ni Koshino saka dali-daling bumaba para pumunta sa audience area ng Tokyo.

Samantala sa Tokyo Team's Bench, ang mga nakabangkong player ay nagulat sa nangyari. Napayukom ng kamao si Mari sa sobrang inis.

"Kaasar, kung magpapatuloy yan. Maaring isa kina Nobunaga at Turo ang magkakainjury!" inis nyang sabi.

"Napakabarumbado niyang maglaro." sabi rin ni Fukuda.

Agad namang nakatayo si Kiyota at inalalayang tumayo si Hanagata.

"Ayos ka lang?" tanong niya dito at tumango naman si Hanagata.

Inayos ni Hanagata ang nakaluwang ng salamin saka tiningnan si Morishige.

"Aamin na ako. Hindi ko kayang pigilan ang freshmen na yan." sabi ni Hanagata kay Kiyota na saktong silang dalawa lang ang makakarinig.

"Hindi natin kaya." koreksyon ni Kiyota. "Masyado siyang malaki para sakin." dagdag pa niya.

Binalingan naman ng tingin ni Hanagata si Hanamichi na halatang-halata sa mukha nito ang pagkainis dahil sa dalawang player na nagbabantay sa kanya.

"Pumalya tayo sa plano, hindi ko akalain na napigilan nila si Sakuragi na makapasok dito sa loob. Sinamantala nila ang pagkakataon na nasa labas si Sakuragi para malayang gumalaw si Morishige dito sa loob." paliwanag ni Hanagata.

Naging seryoso naman ang mukha ni Kiyota. "Alam kasi nilang lahat kahit yang si Tsuchiya na kayang makipag 1 on 1 ng Unggoy na yan sa bakulaw na'to." ani niya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon