SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 2:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
HANAMICHI SAKURAGI'S POV
Nandito kami ngayon sa gilid ng court nakaupo, nagkakamustahan at pinag-uusapan namin ang tungkol sa Team. Yung apat na ungas nagpaalam na lilibutin lang nila ang school, pumayag naman ako.
Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Hindi ko akalain na dito matitipon-tipon ang mga star players ng Kanagawa.
"Uy Sakuragi nakatulala ka dyan?" Napukaw yung sarili ko dahil kay Sendoh.
"S-Sendoh..."
"Hahaha ang tagal natin hindi nagkita at mukhang tumangkad ka pa. Gaano ka na ba katangkad ngayon, Sakuragi?" Tanong sakin ni Sendoh.
"Yung huling sukat ko... Nasa 201.5cm ang height ko." Sagot ko.
"Aba tumangkad ka rin pala." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Rrrrrrr bakit Sendoh? Ikaw lang ba ang may karapatang tumangkad?!" Tanong ko.
"Uy kalma lang hahaha wala akong sinasabing ganyan." Natatawa niyang sabi.
Psssshh!
"Yung alam ko nung huli na nasa High School pa tayo, nasa 189 pa yang height mo." Sabat ni Fukuda.
"Anong sinasabi mo dyan Fukulot? Height ko yan nung first year high school pa ako!" Sabi ko
"Kaya nga sinabi ko 'Yung alam ko nung huli' diba?" Fukuda
"Grrrr---"
"Pero tumangkad ka lang ng 12 centimeters mula first year high school hanggang 3rd year." Napatingin ako kay Hanagata.
"12 centimeters lang? Ikaw ba gaano ka katangkad?" Maangas kong tanong.
"Pinakamatangkad sa team na'to... 209cm." Nanlaki ang mga mata ko.
Sheyt lamang siya ng 8cm sakin! Kung sabagay ano pang aasahan ko? Kilala ang Shoyo Team na may mga matatangkad na players.
"Oo nga pala, Sakuragi. Ikaw lang ba mula sa Shohoku ang nandito ngayon sa Tokyo?" Napatingin ako sa tinanong ni Lolo.
"Hindi Lolo, lima kaming nandito." Sagot ko.
"Ha? Kayong mga first five?" Sabat ni Matsing
"Hindi, Ako lang at yung apat na ungas na kasama ko ang nandito ngayon sa Tokyo." Sagot ko
"Bakit ikaw lang? Nasaan ang center nyo na si Akagi, ang shooter na si Mitsui, ang point guard na si Miyagi at ang super rookie na si Rukawa?" Tanong ni Fujima.
"Anong super rookie si Rukawa? Baka super yabang?" Tanong ko rin.
"Oo nga noh? Kamusta na yung mga first 5 ng Shohoku?" Sendoh
"Sila ba? Si Gori... Ayun! Nagtatraining na para makapasok bilang sundalo. Si Kulotskie at Ayako magkasama na sa isang bahay, at si Michi naman ang nag mamay-ari ngayon ng business ng pamilya nila at sponsor ko ngayon kaya nandito ako sa University nato..." Sagot ko.
"Aba ang galing, mayaman pala ang pamilya ni Mitsui?" Jin
"Ewan ko dun, hindi halata sa hitsura eh." Sagot ko
"Eh si Rukawa?" Seryosong tanong ni Sendoh.
Tiningnan ko rin siya ng seryoso.
"Si Rukawa... Nung gumraduate kami sa Shohoku nagpaalam siya sa basketball team na sa America daw siya magkokolehiyo. Ngayon nasa America na siya." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...