SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
(Ps: Typo Errors Ahead!)
CHAPTER 58: TOKYO VS. KANAGAWA
THIRD PERSON'S POV
Pagkatapos ng aksidente na nangyari ay bumalik na sila sa kani-kanilang posisyon.
Tiningnan ni Hanamichi si Jin ng nakakaloko.
"Ahehehehe oh ano Pareng Jin? Ayos ka lang?" tanong niya dito.
Lumingon naman ito sa kanya habang ang kanang pisngi nito ay namumula dahil sa malakas na sampal na nakuha niya kay Olivia.
"Hindi ko naman talaga sinasadya yon eh... Nangmamanhid tuloy yong kanang pisngi ko." sagot ni Jin.
"Ano ka ba prehh? Namumula na nga eh..." singit ni Kiyota.
Sa Team's bench ng Tokyo napangiwi si Sendoh pati na yung iba dahil sa nangyari kay Jin.
"Hahaha ang lutong ng sampal na yon ah?" natatawang tanong ni Sendoh.
"Nakakahiya yong ginawa niya..." singit ni Ikegami.
"Ano ba kayo, hindi niya sinasadya ang nangyari. Nagkataon lang na hindi agad nakaiwas si Olivia sa kanya." pangdedepensa ni Maki sa kanila.
"Pero ang swerte niya parin kase nakahawak siya ng ano... Take note! Dalawang kamay pa!" nakaismid na sabi ni Daisho sabay pakita pa ng dalawang daliri niya.
"Sana ako na lang yong naaksidente, pervy accident! Ang swerte niya mga Tol!" naiinggit na sabi ni Watanabe.
"Mga sira ulo..." suway sa kanila ni Fujima. "Nag-aalala ako ngayon para sa kanya, sana naman hindi mawala yong pokus niya sa laro." dagdag pa nito.
"Magdasal na lang kayo na hindi siya mawala sa isip niya, Hahahahaha!" tawa ulit ni Sendoh.
"*Pumito* Kanagawa! Sa inyo ang bola!" sabi ng Refeere sa kanila at inabot ito kay Koshino.
"Okay Team! Babawi tayo!" sabi ni Koshino sa mga kasamahan niya.
"Lamang ulit sila satin. Sana sa loob ng 59 seconds ay makapuntos tayo." Yasuda
"Sisikapin natin yan, hanggang sa lahat ng nakabangkong player ng opponent Team natin ay papasukin na ni Fujima." Takasago
"Tama ka!" Miyamasu
"Oo!" Muto
"WAG NGA KAYONG MAYABANG DYAN!" biglang sigaw ni Hanamichi sa kanila.
"Tumahimik ka dyan KSP!" ganting sigaw ni Koshino sa kanya at sinimulan na ang opensa.
Nagsimula na ring umandar ang oras.
Habang tumatakbo pababa ang oras ay mas lumalakas ang hiyawan ng manonood.
"TOKYOOOOOOOO
FIGHT OH!
FIGHT OH!
FIGHT OH!"
"KANAGAWAAAAA
ALPHAS!
ALPHAS!
ALPHAS!"
"SIGE LANG TEAM! RELAX LANG KAYO! WAG NIYONG MADALIIN!" sigaw ni Mari sa kanila habang minomonitor ang oras sa stopwatch na hawak niya.
"KANAGAWA! WAG NIYONG PWERSAHIN ANG SARILI NIYO!" Sigaw ni Kakuta sa kanila.
"RESERBAHIN NIYO ANG IBANG LAKAS NIYO PARA SA SECOND-HALF!" sigaw rin ni Shozaki.
"KALMA LANG TEAM!" Uekusa
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanfictionNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...