CHAPTER 10:

1K 31 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 10:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"OKAY 3 ON 3 FIRST YEARS!" Sigaw ni Hanagata. "Daisho, Watanabe at Nishizaki V.S. Sakuragi, Kiyota at Ikegami." Dagdag pa nito.

"GALINGAN NIYO HANAMICHI!!" Sigaw ng apat na nasa scoring area na nasa gilid ng court.

Si Fukuda at Jin naman nag 1 on 1 sa isa pang court.

Ang lahat ay nag-eensayo maliban kila Maki, Fujima at Sendoh.

Tinawag ni Fujima si Mari na nakikipag-usap sa gagawin ni Haruko bilang bagong Manager.

"Mari!" Tawag ni Fujima.

Napatingin si Mari sa kanya at sumagot... "Bakit, Coach?" Lumapit ito sa gawi ni Fujima.

"May Data ka ba para sa mga makakalaban natin sa Regional?" Tanong ni Fujima.

"Oo, may nakuha ako kahit papaano." Naglakad si Mari papunta sa bag niya at kinuha niya ang black binder niya. "Nandito lahat sa book binder ko."

Lumapit si Mari sa Bracket Poster at binuklat ang book binder niya.

Hinanap ni Mari ang pangalan ng League nila at nakita niya ito sa Left Side Bracket #9: Tokyo Black Samuraiz... "24 Basketball Leagues at nahati sa dalawa. Merong tig 12 leagues sa magkaparehong Left at Right Side Brackets. Tingnan niyo, nasa Left #9 bracket tayo at nasa pangatlo, ibig sabihin tayo ang huling kakalabanin kung anong Team man ang mananalo sa pagitan ng 'Osaka Evessa' at 'Nishinomiya Storks'..." Simulang paliwanag ni Mari.

Inilibot ni Sendoh ang paningin niya sa poster at nakita niya ang... "Aba ang galing! Nakapasok rin pala sa Regional ang 'Kanagawa Alphas'." Tuwang sabi ni Sendoh.

"Sa pagkakaalam ko si Kazuma Takasago mula sa Kainan ang Team Captain dyan." Sabi ni Fujima.

"Oo, si Takasago nga... At Center parin ang position niya hanggang ngayon." Nakaismid na sabi ni Maki.

"Si Hiroaki Koshino naman mula samin ang naging Vice Captain dyan." Napangiti si Sendoh.

"Susuportahan natin sila." Fujima

"Oo!" Maki/Sendoh

"Mari, may alam ka ba tungkol sa mga Team member ng Top Leagues?" Tanong ulit ni Fujima.

"Oo, mabuti na lang talaga nakapanood ako ng mga matches nila kahit papaano. Uunahin ko muna ang Top 4: Ryukyu Golden Kings, nung napanoo ko sila halos lahat ng team member nila ay nagmula sa iisang High School at yun ay ang 'Ryokufu Academy'..." Tiningnan ni Mari ang binder niya. "... Ang Team Captain ng Ryukyu ay si Hikaru Nadaka na dati ring Team Captain sa Ryofuku. Ang Shooting Guard naman nila ay si Ichirou Katsumi na nahirang na National Shooter nung 2nd year high school niya. Small Forward ay si Kaoru Ebina na dating point guard, Power Forward ay si Totsuka Tetsuya na may malakas na pwersa kaya madaling nakakahakot ng fouls..." Mari

"Yung kasalukuyang PointGuard nila ngayon?" Sedoh

"... Ahmm yung magkambal na sina Seiji Tsumuri at Keiji Tsumuri. Kapag pumasok na silang dalawa sa court nagagawa nilang lituhin ang kalaban nila at ginagamit nila yun para makapuntos. Ang magkambal na yan ay ang Ace Players ng Ryukyu." Sagot ni Mari.

"Ang galing naman, may kambal na player sila." Maki

"Meron din naman tayong mga magkambal, Maki ah?" Tumingin si Maki, Fujima at Mari kay Sendoh.

"Huh? Meron ba?" Maki

"Oo meron, kaya lang mga Unggoy." Sagot ni Sendoh at tumawa.

"Sira ulo, si Sakuragi at Kiyota pala ang tinutukoy mo." Fujima.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon