SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
SPECIAL CHAPTER Part 1:
(PS: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
* * * K A N A G A W A P R E F E C T U R E * * *
Si Hanamichi, Haruko, Fujii, Mutsui at ang Apat na Ungas ay umuwi sa Kanagawa Prefecture para kamustahin ang mga dating kasamahan. Tumungo sila sa Shohoku High School at huminto sa harapan ng pinto ng kanilang dating gymnasium.
Habang pinagmamasdan ni Hanamichi ang pintuan ay maraming ala-ala ang pumasok sa kanyang isipan.
"Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung baguhan pa ako sa basketball pero ngayon ay isa na sa mga tanyag na players." Wika ni Hanamichi.
Ngumiti naman si Haruko sa kanya.
"Sang-ayon ako sa sinabi mong yan, Sakuragi. Kaya nga may kasabihan na: hindi natin hawak ang panahon... Tara na sa loob?"
Tumango si Hanamichi saka hinawakan ang kanyang kamay.
Binuksan nila ang pinto.
"WELKAAAAAAAM BAAAAAACK!!"
Nagulat sila dahil sa surpresa ng mga kaibigan nila. Agad namang tumakbo si Miyagi at Mitsui sa gawi ni Hanamichi at inakbayan ito.
"M-mga kasama..." Sambit niya.
"Hahahah! Welkam back sa Shohoku, Mr. MVP!" Bati ni Ryota sa kanya.
"Hanggang ngayon ay masaya parin kami para sayo, Sakuragi." Nakangiting sabi ni Mitsui.
Nahihiya namang tumawa si Hanamichi.
"Hehehehe, hindi na sana kayo nag-abala. Mangangamusta lang naman ako dito." Sagot niya.
"Oo nga pala, paano niyo nalaman na pupunta kami dito ngayon?" Tanong ni Haruko sa kanila.
"Sinabi nina Mito samin, kaya agad kaming naghanda para may pambungad kami sa inyo." Sagot ni Mitsui.
Tiningnan naman ni Hanamichi si Mito. Pero ngumiti lang ito.
"Tara na! Total nandito na si Sakuragi, kumain na tayo!" Sigaw ni Miyagi sa kanila.
"OO!!" sigaw nila.
Dahil sa muling pagbisita ni Hanamichi sa Shohoku High School ay puro kamustahan at tungkol sa Intercollegiate ang pinag-usapan nila. Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras ay natapos na ang kanilang Welcome Party at nagsiuwian na sila.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
Fiksi PenggemarNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...