SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 53: TOKYO VS. KANAGAWA
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
*** GYMNASUIM ***
"SA WAKAS! IPINASOK NA RIN NG TAGA-TOKYO YUNG REBOUNDANT NA MAY PULANG BUHOK!"
"ANG HARI NG REBOUND!"
"SAKURAGI!"
"SA KU RA GI!
SA KU RA GI!
SA KU RA GI!"
Nagsihiyawan at nagcheer ang ibang tagahanga ni Hanamichi.
"Aba! Talagang malakas sa fans itong si mokong ah..." sabi ni Takamiya habang pinapanood ang mga tao na naghihiyawan para kay Hanamichi.
"Hahaha oo nga, another record na naman para sa grupo natin!" Mito
"Kahit gaano pa yan kasikat si Hanamichi sigurado akong magkakalat yan don't meh..." Ohkusu
"oo nga, sa simula lang yan. Baka nga salubungin agad yan ng foul ehehehe..." Noma
Kinuha ng Referee ang bola saka binigay kay Takasago.
(Pumito!...)
"LARO NA!" sigaw ng Referee.
"OO!" sagot nilang lahat.
"AKONG BAHALA SA KANILA! LALAMPASUHIN KO SILA!" mayabang na sabi ni Hanamichi.
"Tumahimik ka dyan mayabang..."
Agad tumingin si Hanamichi sa kanya... "Grrrrrr Fukuda!..."
"Dahil wala na si Nishizaki dito sa court babaguhin na natin ang strategy..." panimula ni Watanabe.
"Basta ako parin ang magbabantay kay Takasago." wika ni Hanagata.
"Ako rin, kay Koshino." Fukuda
"Bobo ka Fukuda! Shooter ka dapat si Uekusa ang babantayan mo! Tropa mo rin yun ah?" Maktol ni Hanamichi.
"Tumahimik ka ikaw ang bobo..." Fukuda
"Aba't talagang---"
"Unggoy, ikaw ang magbantay kay Muto." singit ni Kiyota.
Tumaas naman ang isang kilay ni Hanamichi saka nilapitan siya.
"Inuutusan mo ba ako?" maangas nitong tanong kay Kiyota.
Naningkit naman ang mga mata ni Kiyota.
"Wala kang magagawa, susunod ka sa gusto ko hangga't nasa court tayo!" inis niyang sagot.
"Utusan mo yang Lelang mo! Ano ka Hello?!" palag ni Hanamichi.
"Hibang ka talaga! Mas matalino ako sayo sa basketball kaya susundin mo'ko!" Kiyota
"Mas maliit ka naman saken! Atsaka Henyo ako! Hindi ko kailangan ang utos mula sa maliit na Matsing gaya mo!" Hanamichi
Samantala sa Team's bench ng Tokyo, nakaismid na nakatingin sa gawi ng dalawang Unggoy si Maki at Sendoh.
"Dahil wala na yung shooting-guard natin sa court, kailangang may mag bagong magbabantay kay Uekusa." sabi ni Sendoh saka sumipsip ng lemon.
"Oo, hindi pwedeng si Watanabe ang magbabantay sa kanya. Si Yasuda na dating Shohoku ay nahihirapan siyang pigilan ito, sigurado ako... Magtatrabaho na ang isa sa mga line-up natin ngayon." sabi rin ni Maki.
"Minsan ko na siyang tinraining sa 3-point shot at ginagawa na niya yun bilang routine. Kaya sigurado rin ako na gagamitin na niya ang abilidad na tinuro ko sa kanya." proud na sabi ni Jin habang nakatingin sa gawi ng dating kasamahan nito bilang regular player ng Kainan.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️
FanficNang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-year College Player. Bilang HENYO sa basketball ipagpapatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isan...