CHAPTER 34: Tokyo Vs. Osaka

674 26 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

(Ps: Typo Errors Ahead!)

CHAPTER 34: TOKYO VS. OSAKA

THIRD PERSON'S POV

"Sa katunayan... LAHAT kami sa Team namin ay mga ACE PLAYER." Nakangiting sagot ni Sendoh.

Natahimik yung tatlo.

"HAYATO SA LIKOD NIYO!" biglang sigaw ni Raito habang nakabantay kay Nishizaki.

Nabulabog sila at napatingin sa likuran nila si Daisho papalapit sa kanila. Agad pinasa ni Sendoh ang bola kay Kiyota na nasa gilid ni Gyoku.

"Pambihira! Nakalusot pa rin siya!" napahampas si Coach Ogata sa kinauupuan niya dahil pumalpak ang plano niya. "Tunay ngang malakas ang Tokyo... Ang top 2 great college team sa Japan."

Napatingin si Coach Ogata sa Timeboard, 11 minutes na lang ang natitira at 57 points ang lamang ng tokyo sa score nila. Napapikit na lang si Coach Ogata at napaekis na lang ng braso.

Nahuhulaan na niya ang magiging resulta ng laro pero hindi siya nagpapatinag.

Dahil sa pambulabog ni Daisho nagkawatak ang posisyon at nabigo ang plano nila. Agad hinabol ni Hayato si Kiyota na nakapasok na sa half-court ng Tokyo. Si Sendoh naman agad na pumunta sa ilalim ng ring kasama si Gyoku.

Napakunot at nagtaka ang mga manonood dahil may kakaiba sa depensa ng Osaka. Si Daisho na 210cm ay binantayan si Miyojun na 195cm at si Sendoh naman na 207cm ay binantayan ni Gyoku na 215cm.

SA TEAM BENCH NG TOKYO...

"Diba dapat si Daisho ang nagbabantay kay Gyoku?" Tanong ni Hanagata.

"Oo nga naman, hindi nalalayo ang Height ni Daisho kay Gyoku..." Fukuda

"Hayaan mo si Sendoh sa plano niya, planado at kontrolado niya ang lahat. Hawak niya ang takbo ng laro kahit hindi niya sabihin sa mga kasamahan niya." wika ni Maki.

"... Oo, at Mas mapapadali ang komunikasyon at pagkakaintindihan nila dahil silang lima na nasa court ngayon ay puro mga Ace Player... Naiintindihan nila ang isa't-isa bilang mga Ace Player." Jin

Biglang sumulpot si Hanamichi sa likuran ni Jin.

"Ee Ako, Jin? Ace Player din naman ang Henyong ito ah?" tanong nito.

"Pwera sayo, mahina kase ang utak mo." Jin

"Kakasabi ko lang na HENYO ako!---"

"Henyo sa Kabobohan... Oo." Jin

Tiningnan ni Hanamichi si Maki... "Lolo, kausapin mo nga tong asawa mo!"

"Jin, hindi mo kailangang ipamukha kay Sakuragi ang kabobohan niya." Maki

Mas lalong nainis si Hanamichi sa sinabi ni Maki.

"Di hamak na mas masakit pa yang sinabi mo Lolo!" masungit na sabi ni Hanamichi at bumalik sa tabi ni Fujima.

Napabulong si Hanamichi sa kinauupuan niya... "Bahala nang bobo atlis Henyo ako sa basketball." napangisi si Hanamichi at itinuon ulit ang atensiyon sa court.

Nagtinginan si Kiyota at Watanabe saka nagsitanguan. Gumamit ng pwersa si Watanabe kay Kentaru para makalipat ito sa harapan. Nang makalipat sa harapan si Watanabe agad naman ipinasa ni Kiyota ang bola sa kanya at tagumpay nyang nasalo ito.

Agad nagdribol si Watanabe palapit sa Point-guard area at nagshoot, pero natamaan yun ni Hayato kaya nabago ang porma ng bola.

"REBOUND!" Sigaw ni Hayato.

Agad na tiningnan ni Watanabe si Sendoh. Napahangad si Sendoh sa rim.

"Mas maliit ka sakin kaya ako ang makakakuha sa Rebound." wika ni Gyoku sa kanya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon