CHAPTER 32: Tokyo Vs. Osaka

638 22 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

(Ps: Typo Errors Ahead!)

CHAPTER 32: TOKYO VS. OSAKA

THIRD PERSON'S POV

"Sige Team! 15 minutes na lang bago matapos ang second-half, wag niyo silang bigyan ng pabor na makapuntos..." wika ni Sendoh sa mga kasamahan niya.

"Oo!!!!" sagot nila.

Tumingin si Sendoh sa pangkat ng Osaka.

Hawak ng Osaka ang bola at hawak ito ni Kentaru. Itinaas niya ang kanyang hintuturo.

"TEAM! SULITIN NATIN ANG NATITIRANG ORAS! GAWIN NIYO ANG LAHAT PARA MAKABAWI!" sigaw ni Kentaru na nakatingin kay Sendoh.

"Ehh?" Sendoh

"Kentaru, sa palagay ko Point-guard rin ang isang yan..." bulong ni Raito kay Kentaru.

"Point guard? Di ba dapat power-forward din ang ipapalit nila kay Sakuragi?" singit ni Miyojun.

"Ewan ko sa kanila... Hoy! Ikaw Sendoh! Point Guard ka ba?!" maangas na tanong ni Kentaru kay Sendoh.

Napaismid si Sendoh at napakamot sa batok niya.

"Small-forward..." sagot nito.

"Bakit ikaw ang boses nila sa halip na si Watanabe?"

"Point-guard din ako..."

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Point-forward ako."

"ANO BA TALAGA!"

SA TEAM BENCH NG TOKYO... Napanguso si Ikegami sa asal ni Sendoh at napasabi na lang.

"Kung ako sa kanila wag sila puro tanong kay Sendoh. Wala silang makukuha na matinong sagot dyan." Ikegami

"Tama ka, si Sendoh ang klaseng tao na wala sa hitsura ang pagiging seryoso. Mabubuang ka ng maaga dahil sa kanya." sabi din ni Fukuda.

SA COURT... Di parin naaalis ang tingin ni Kentaru kay Sendoh. Sinimulan na nila ang opensa.

"OSAKA!

OFFENSE!

OFFENSE!

OFFENSE!

OFFENSE!"

"Aba, ayos to ahh! Rumesbak na si pareng Sendoh!" nakangiting sabi ni Takamiya.

"Siguradong mas magiging maganda ang laro!" Noma

"Ang gwapo niya naman, diba siya yung dating Point-guard ng Ryonan High?" tanong ni Fujii kay Haruko.

"Oo, siya nga yun. Malakas at magaling ang isang yan." sagot ni Haruko.

"Pero sa palagay mo Haruko? Sino mas matimbang sa kanila ni Rukawa?" tanong rin ni Mutsui.

Natahimik ng ilang segundo si Haruko bago sumagot.

"Ahmm... Totoong magaling at napakahusay ni Rukawa pero..." napatigil sandali si Haruko at inalala niya ang mga nakaraang laro ni Sendoh.

"..." Mutsui

"..." Fujii

"... Mas magaling talaga siya kung ikukumpara kay Rukawa. Hindi sapat ang dalawa o tatlong player na magbabantay sa kanya, kahit si Rukawa, Sakuragi at Kuya ay hindi siya mapigilan..." Haruko

"Talaga bang napakagaling na player niyang si Sendoh?" Mutsui

"Oo," singit ni Mito.
"Kaya sa pagkakataong ito, mas lalong nang pumapabor ang laro sa Team natin." Mito

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon