32. Friendship Over

222 13 1
                                    

"Ate, gumising ka na daw sabi ni kuya." Nagising ako sa nakakairitang pagkalabit ni Sophie sa pagmumukha ko. Tinapik ko naman yun kasi nga nakakairita. Hindi ako sanay ng ganito. Simula nung naging kami ni Amiel, nasanay akong sya yung gumigising sa akin, ngayon wala na sya. Umalis na sya kagabi pa hindi ko alam kung saan sya pupunta pero sya na daw ang bahala. Sinabi nya sa akin na wag daw akong mag-alala, lilipat lang naman daw sya ng bahay bukod dun wala nang ibang magbabago sa amin. Wala akong ginawa kagabi kundi ang umiyak hanggang sa makatulog ako.

"Ano ba yan ate! Sabi ni kuya wag daw akong bababa dun ng hindi ka kasama. Galit pa rin sya hanggang ngayon."

Tsk. Galit pa rin sya? Hindi pa sya nakontento sa ginawa nyang pag-papaalis kay Amiel? Hindi na sya naawa dun sa tao na umalis kagabi. Ngayon hindi ko alam kung nasaan yun, kapag may masamang nangyari sa kanya wala akong sisisihin kundi si kuya.

"Wala akong pake, bahala kayo sa buhay nyo!" Inis na sabi ko saka tumalikod at nagtalukbong. Wala akong gana ngayong araw matapos ang nakakagimbal na pangyayari kagabi.

"Si papa kasi, tumawag.."

Papa? Nakarating na ito kay papa? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako sa pwedeng gawin ni papa..pero hindi din nagtagal ang kaba na nararamdaman ko. Nasapawan iyon ng galit lalo kay kuya..

"So nagsumbong na kayo kay papa? Sige, isumbong nyo na ako sa lahat! Dyan naman ata kayo masaya."

"Bumaba kana kasi--" hinila nya ang kumot ko.

"Ano ba!?" Hinila ko naman yun bigla dahilan para mawalan ng balanse ang katawan nya. Napaupo sya at napaiyak. Gusto ko syang lapitan pero wala akong pakialam. Bahala sila dyan! Hindi ko sya tinulungan, tumayo sya mag-isa at umiiyak na bumaba. Tsk. Kasalanan ko ba kung ang kulit kulit nya??

Kinuha ko nalang ang phone ko at tinignan kung may text ba galing kay Amiel. Kakamustahin ko pa sya..

[Goodmorning my princess! I love you so much!]

[tsk. -_- Tulog ka pa ba?]

[Tulog ka pa no? Gumising ka na, pasok ka ng maaga gusto kitang makita, sabay tayong mag-almusal.]

[Hey! Wake up! Malelate ka naman nyan.]

[Waaaakkkkeeeee uuuuuppppp!]

[Wake up sleepy head!!! -_-]

HAHAHA!! Kinilig naman ako sa pagtawag nya sa akin ng 'princess' bago yun eh! XD Haaay, habang binabasa ko yung text messages nya naririnig ko yung boses nya sa utak ko na sinasabi yun feeling ko nasa tabi ko lang sya. Mareplayan na nga..

[Goodmorning prince! I love you too! Sorry hindi ako papasok ngayon. Anyway, okay ka lang ba? Saan ka natulog kagabi?]

Ise-send ko na sana kundi lang dumating si kuya na padabog na namang binuksan yung pinto ng kwarto ko.

"Danna tumayo ka dyan, anong nangyari kay Sophie?"

"Ewan."

"Tumayo ka dyan, pumasok ka."

"Ayaw ko."

"Nag-iinarte ka kasi umalis na si Amiel? Kailangan mo pang saktan si Sophie?"

"Whatever." I rolled my eyes at sinend na yung text message ko.

"Pumasok ka."

"Bakit hindi ikaw ang pumasok? Total mukhang ready na ka nang umalis."

"Ayusin mo yang pagsasalita mo, baka nakakalimutan mo kung sino ako."

"K." Nakakainis. Pinipilit pa akong pumasok kita namang ayaw ko nga! Badtrip. Sya kaya ang pumasok na magang-maga ang mata!

"Tss. Ayan ba yung tinuro sayo nung lalaking yun ha!? Ang mawalan ka ng galang at respeto? Na kalimutan mo yung pangako mo?"

Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon